|
|
| Teleserye nina Claudine, Gabby sobrang ambisyosoColumn: Footloose Pinaka-ambitious na yatang telesery ng ABS-CBN ang Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Deither Ocampo at ng comebacking actor na si Gabby Concepcion. Sa malalim na istorya, madramang mga eksena, exotic na location, magagaling na direktor at isang matinding casting coup, dadalhin ng Iisa Pa Lamang ang televiewers sa isang mundo na puno ng inggit, pagkukunwari at kasakiman. Nakakaloka 'yo, ha! Sa Batangas pa kinunanang kuwento ng pag-ibig sa pagitan ni Claudine at ng dalawang lalaki -- ang kanyang kababatang si Gabby at ang kanilang mayamang kapitbahay na si Diether. Sa paglalim ng kanilang pagkakaibigan, madadala sina Claudine, Gabby at Diether sa mga alon ng kasinungalingan, pagnanasa at pagmamahal. Kasama rin sa Iisa Pa Lamang sina Susan Roces, Laurice Guillen, Cherie Pie Picache, Angelica Panganiban, Matt Evans at Melissa Ricks. Ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha naman ang kumanta ng theme song ng Iisa Pa Lamang. "Ilang beses man akong masaktan, ilang ulit man akong magmahal, may isang mananaig. " Ito ang catch line ng teleserye na nasa ilalim ng pinagsamang direksyon nina Ruel Bayani at Manny Palo. * * * DUMATING sa bansa nang Huwebes ang Malaysian actress na si Carmen Soo para mag-taping ng ginagawa nilang teleserye ni Jericho Rosales. Almost one month ding nag-taping ang dalawa sa Malaysia. Do'n nagsimula ang kanilang bonding. Now that Carmen is here in the Philippines, ma-tsismis kaya silang dalawa? Aba, single ngayon si Jericho at aminado rin naman si Carmen na she's available. Walang masama kung magkagustuhan sila, 'di ba? Anyway, hindi pa namin alam ang title ng soap operang ginagawa ni Echo at Carmen. Ang latest lang na laman namin, pasok din pala rito si Cristine Reyes. Teka, ano naman kaya ang magiging role rito ng nakababatang kapatid ni Ara? Mas mauuna bang ipapalabas ang Echo-Carmen soap kesa sa Eva Fonda? Let's find out! Source: Taliba |