Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Teleseryeng pang-hapon, tinanggihan ni Angelica

Author: Eric John Salut
Column: Ripples

Pokwang considers her last birthday party (held at her own videoke bar, Blue Without U in Esquinita, Quezon City) last Tuesday as the most memorable.

Dinagsa ng showbiz and non-showbiz friends ang party na ikinalugod ng TV host-actress.

Unang dumating sina John Prats, Nova Villa at Valerie Concepcion. Nag-drop by din si Kris Aquino. Hindi ito maka-stay nang matagal dahil may taping pa ito.

Maya-maya, magkakasamang dumating nina John Lloyd Cruz, Sam Milby at Anne Curtis.

Nakisaya rin sina Mariel Rodriguez, Deejay Durano, Ogie Diaz, Jobert Sucaldito, Lito Camo, Pooh, Vice Ganda, Mosang, Ahron Villena, Dr. Jay Recasata (of Faces & Curves) at ang very sweet nang gabing 'yon na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Na-touch si Powkee (as she is fondly called by friends) sa presence ng mga ABS-CBN boss na sina Cory Vidanes, Deo Endrinal, Johnny Manahan, Mariole Alberto, Enrico Santos, Louie Andrada, Linggit Tan, Alou Almaden, Leo Katigbak, Aida Espiritu at iba pa.

Naroon din ang film at TV directors na sina Erick Salud, Wenn Deramas, Rory Quintos, Trina Dayrit, Don Cuaresma, Jillmer Dy at marami pang iba.

"Wala na akong mahihiling pa," sambit ni Powkee. "Pinakasamayang birthday ko ito. "

* * *

FINALLY, na-meet na rin namin si Dr. Jay Recasata (resident surgeon ng Faces & Curves) sa party ni Pokwang.

Si Dr. Jay na yata ang pinaka-low profile na plastic surgeon na nakilala namin.

Matagal na namin itong gustong makilala dahil siya ang gumawa ng nose lift ng dalawang kaibigan namin. Maganda at napaka-natural ng pagkakagawa ni Dr. Jay sa ilong ng dalawang kaibigan namin.

Marami-rami na ring celebrities na nagpupunta sa kanya para sa kanilang wellness program, 'tulad nina Toni Gonzaga, Kim Chiu, Roxanne Guinoo, RR Enriquez at iba pa.

Para sa kumpletong serbisyo ng Faces & Curves, tumawag lang sa 722-8405 o magsadya sa clinic nila sa Annapolis St. , Greenhills, San Juan.

* * *

NU'NG gabi ng birthday ni Pokwang, ipinakita sa amin ni Sam Milby ang bagong bili niyang motorbike.

Nahiya siyang sabihin ang presyo ng said motorbike, pero ang balita namin, very expensive ito.

"I've always wanted to ride a motorbike," sabi ni Sam. "It's just that my dad doesn't want me to. Delikado raw. But I have all the protective gears naman. "

Masaya ring ibinalita ni Sam na pinayagan na siya ng ABS-CBN na gawin ang pelikulang Cul-de-Sac ng PLDT-Smart at Cinemabuhay Productions.

Sam will play his darkest role sa nasabing pelikula.

"It's completely different, plus I get to speak 100 percent Tagalog. Very, very challenging talaga. I am happy that ABS-CBN agreed that I do the project. I fought for this. "

Kapansin-pansin ang ginagawang reinvention ng ABS-CBN kay Sam. Marami siyang firsts na ginagawa.

Sa fantaseryeng Dyosa, marami siyang topless scenes. Kahit sa Bench fashion show, wala ring kiyeme si Sam ma mag-topless.

"I wanna try something different. I'm happy I get to do it. "

* * *

NAG-ENJOY si Angelica Panganiban sa table where she was seated sa party ni Pokwang.

Maganda ang sinasabi ng tao sa performance niya sa Iisa Pa Lamang where she is playing Scarlet.

Sunud-sunod ang tarayan scenes nina Angelica, Claudine Barretto (who is playing Catherine) at Cherry Pie Picache (bilang Isadora).

She doesn't mind playing villain roles. Aniya, mas gusto na niyang 'yung performance niya ang nakikita ng tao.

Going strong ang relasyon nila ni Derek. Nag-i-enjoy sila sa company ng bawat isa. Madalas din silang mag-out of the country at nitong huli, magkasama sila sa Beijing, China.

Nakahanda na ang next project ni Angelica. Kaya lang, ayaw pa niyang i-divulge kung sino ang makakasama niya.

Ayaw na rin niyang mag-comment tungkol sa pagtanggi niya sa isang afternoon teleserye, kung saan siya ang partner ng isang aktor.

Source: People's Tonight