|
|
| Tessa at Manny, tuloy ang bangayan!Column: The Source "BALASUBAS siya! Magpakatao siya! Magbayad na siya ng utang sa akin!" Ito ang bayolenteng reaksyon ng make-up artist na si Bernadette Duenas tungkol kay Mark Cortez, ang MTB TV Idol na inamin ang pagiging gay sa Entertainment Live noong Sabado. Sa kuwento ni Bernadette, umabot sa P200,000 plus ang utang sa kanya ni Mark na hindi pa nito binabayaran. Ginamit daw ni Mark ang pera sa pagbili ng sasakyan. "Wala akong pakialam sa pag-amin niya na bakla siya dahil hindi ako nanghuhusga ng kapwa. Bakla rin ako pero marunong akong magpakatao. Sana, ganoon din siya. Magbayad na siya ng utang sa akin!" ang naghihimutok na pahayag ni Bernadette. Matagal na naming kaibigan si Bernadette kaya masasabi namin na isa siyang mabuting tao. Bilang make-up artist, maliit lamang ang kinikita ni Bernadette kaya masakit sa kanya na mawala ang lifetime savings niya dahil nagtiwala siya kay Mark. Gay na gay si Mark nang lumabas ito sa Entertainment Live noong Sabado. Nag-aalala si Mark sa magiging reaksyon ng kanyang ina sa pag-amin na ginawa niya. Nasa ibang bansa ang nanay ni Mark at hindi raw nito alam na gay ang kanyang anak. Kaya? Para sa iba, hindi big news ang pag-amin ni Mark dahil matagal na nilang nakikita at nararamdaman ang tunay na pagkatao ng dating TV Idol finalist. *** Bumata ang hitsura at naging maaliwalas ang mukha ni former President Joseph Estrada nang makalaya ito noong Biyernes. Reportedly, ang entertainment press na malaki ang naging bahagi sa kanyang buhay ang isa sa mga unang gustong makaharap ng dating pangulo. Hindi pa nagkikita sina Erap at Senator Jinggoy Estrada dahil may speaking engagement pa ito sa Geneva, Switzerland. Babalik ng Pilipinas si Jinggoy bago ang All Saints Day dahil naging tradisyon ng kanilang pamilya na magsama-sama tuwing November 1. Sigurado na magiging masaya ang Pasko para kay Jinggoy dahil kumpleto na ang kanyang pamilya, may entry pa siya sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Katas ng Saudi na pinagbibidahan nila ni Lorna Tolentino. *** Ang SIS hosts na sina Carmina Villarroel, Janice at Gelli de Belen ang mga contestant mamaya sa Whammy: Push Your Luck. Natatawa kami kahit mag-isa naming pinanonood ang game show nina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto dahil sa reaksyon ng mga contestant sa tuwing nagiging biktima sila ng mga whammy. Meanwhile, sina Joy Viado, Andrea del Rosario at Gwen Garci ang mga celebrity challenger sa Kung Ako Ikaw ng GMA 7. Dumayo ang tatlo sa La Loma, QC para gampanan ang trabaho ng mga maglilitson. Naranasan nina Joy, Andrea at Gwen na magkatay ng baboy, magtanggal ng lamanloob at magtuhog ng baboy sa mahabang kawayan para makapagluto sila ng masarap na litson. *** TAPOS na ang Celebrity Duets">Celebrity Duets pero hindi pa tapos ang isyu sa pagitan ng mga contestant na sina Tessa Prieto-Valdes at Dr. Manny Calayan. Inaasahan na sasagutin ni Dr. Calayan ang pahayag ni Tessa na pikon siya dahil hindi niya sinipot ang grand finals night ng Celebrity Duets">Celebrity Duets. Sa interview ni Ricky Lo kay Tessa, sinabi rin nito na may tsismis na nagbayad si Dr. Calayan ng P5,000 sa mga tao para iboto siya. Inamin ng Celebrity Duets">Celebrity Duets champion na "she felt bad" nang sabihin ni Dr. Calayan na si Tessa ang dapat matanggal sa contest dahil wala siyang boses. Nanahimik na si Dr. Calayan mula nang ma-eliminate ito sa Celebrity Duets">Celebrity Duets pero kung magpapatuloy ang mga intriga tungkol sa kanya, hindi malabo na magsalita siya para maipagtanggol ang sarili. *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com. Source: Abante |