Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Text ni Jinkee kay Valerie peke

Author: Vinia Vivar

Nag-react na ang kampo ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao hinggil sa text message na natanggap ni Valerie Concepcion noong December 3 mula sa isang taong nagpakilala bilang asawa nga ni Pacman na lumabas kahapon sa kolum namin.

Tinawagan kami ng old-time friend ni Manny na si Reli de Leon and on behalf of the couple na nakausap na raw niya, siya na ang naatasang magklaro ng balita.

Unang-una, sinabi ni Reli na dinedenay ni Jinkee ang nasabing text message.

"Sabi niya (Jinkee), she can't do that. She's an educated person and she won't go down to that level. Even at the height of the Ara Mina thing, hindi siya gumawa ng ganyan," pahayag ni Reli.

Nagkausap na nga rin sila ng manager ni Valerie na si Becky Aguila at hinihingi nila ang number ng taong nagpadala ng text message para makagawa sila ng sariling imbestigasyon.

"May na-encounter na rin kasi silang ganyan, may nagte-text kay Jinkee at kung anu-ano rin ang sinasabi. So, baka iisa lang ang taong ito, kaya, we have to find out. "

Kaklaruhin din daw ni Manny ang issue and in fact, sa Tuesday ay nakatakda silang mag-usap nina Val at Tita Becky to settle this.

"Basta si Manny, wala siyang malice rito. Gumawa siya ng pelikula hindi para babuyin ang babae. Tumutulong siya sa mga tao at hindi siya gagawa ng anything that can harm anybody's career," pahayag pa ni Reli.

We learned na sa kasalukuyan ay nasa Gen. Santos si Manny at luluwas sa Manila next week para ayusin ang problema.

* * *

Pormal at seryoso ang naganap ng presscon ng ABS-CBN para sa Alay ni Da King: An FPJ Special on ABS-CBN last Wednesday night dahil ang nakaharap sa presidential table ay sina Susan Roces at ang ABS-CBN channel head na si Charo Santos-Concio, kasama si Mary Grace Llamanzares, anak nina Da King at Manang Inday.

Ang nasabing special, na mapapanood sa Dec. 9, ay bilang pag-alala sa ikatlong taon ng kamatayan ni FPJ.

Highlight ng special ang isang video presentation na si Da King mismo ang bumuo hanggang sa kahuli-hulihang mga araw.

Ang video, na laman ang mahahalagang eksena sa kanyang pelikula, ay regalo sana ni FPJ sa mga kaibigan at naging leading lady.

Mapapanood din ang ang pagbabalik-tanaw ng kanyang pamilya, mga matalik na kaibigan at mga nakasama sa industriya ng pelikula kasama rin ang iba pang celebrities.

Kabilang sa mga magbibigay-pugay at magsasaad ng "inside stories" sina Dolphy, Eddie Garcia, Maricel Soriano, Phillip Salvador, Edgar Mortiz, Caridad Sanchez, Jaime Fabregas at dating pangulong Joseph Estrada.

Kapansin-pansin na wala ang mga Kapamilya stars na sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos, na parehong blockbuster ang pakikipagtambal kay Da King.

Paliwanag nina Charo, nagkaroon ng conflict sa schedule, kaya hindi napasama ang dalawa.

Ikukuwento rin ni Tita Swanie (another pet name for Susan sa showbiz) ang kanilang buhay mag-asawa at mga naging karanasan.

Sa presscon, isa sa napag-usapan ang tungkol sa pulitika. Matatandaang isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ni Da King ay nang tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2004.

Ayon kay Manang Inday, bagama't heartbroken ang asawa on how the election was done, hindi rin naman ito ang tipo na magiging bitter.

"Hindi siya ganu'ng tao na 'pag hindi nanalo, magagalit, pero hate niya ang kasinungalingan," sabi ng biyuda ni Da King.

Maging si Charo, nagkuwento ng magagandang karanasan kay FPJ. Naging leading lady siya ng Hari ng Pelikulang Pilipino sa limang pelikula, kabilang na ang Durugin si Totoy Bato at Aguila.

Ikinuwento rin niya na bago yumao si Da King, kausap niya pala ito tungkol sa proyektong ito ng ABS-CBN.

"A month before he passed away, nag-meeting kami because we wanted to enter into a partnership with FPJ Productions and we wanted to offer to him the archiving of his films kasi nga, with all modesty, medyo maganda ang set-up ng archiving dito.

"Nagkasundo naman kami, nagkaintindihan on the details. And then we're supposed to, sabi nga niya, 'Charo, pai-inspect ko lang ang estado ng lahat ng pelikula and then, ibibigay ko sa iyo ang final list of titles. ' We were supposed to have lunch on Dec. 13 and that was on the day he passed away.

"But you know, he kept his words. You know, he gave his words to me, and kahit na wala na siya sa piling natin, after three years, nag-uusap kami ng kanyang reyna at ang kanyang prinsesa, and you know somehow, it's the spirit of FPJ that led to all of these. At ganu'n talaga ang pagkakakilala ko sa kanya," pahayag ni Charo.

Ang FPJ special na mapapanood sa Sunday, 9 p. m. , ay pangungunahan ni Charo at may sumusunod na segments: FPJ, The Artist; FPJ, Ang Kaibigan; FPJ at FPJ, ang Idolo.

Source: People's Tonight