|
|
| Textmates lang kami ni Che Tiongson -- Cogie DomingoAuthor: Ed De Leon Finally, naglabas na rin ng statement ang aktor na si Cogie Domingo. Kagaya rin ng sinabi ng kanyang ama, ikinaila ng aktor na nagkaroon siya ng relasyon sa common-law wife ni Chavit Singson na si Che Tiongson. Inamin ni Cogie na nagkakilala nga sila ni Che, at may panahong nagpalitan sila ng text messages. Hindi raw niya alam noong una na may karelasyon si Che at nang malaman niya ay agad niyang tinigilan ang anumang pakikipag-ugnayan kay Che bilang respeto na rin kay Chavit. Ganoon lang kasimple ang statement ni Cogie. Kaya nga hindi mo rin malaman kung bakit sinasabi naman ni Chavit na naghiwalay sila ni Che, pinaalis sa kanilang bahay at pinalipat sa isang apartment matapos niyang mahuli na nakikipag-relasyon sa isang mas batang aktor, na walang dudang ang tinutukoy ay si Cogie. Hanggang text lang naman pala iyon, bakit kaya umabot sa ganoon kalaking gulo? Sa ngayon, hindi natin masasabi kung sino nga ang mas dapat nating paniwalaan. Kanya-kanya sila ng statement at hindi naman coordinated ang kanilang pag-damage control. Apektado na rin si Chavit at mukhang inilalaglag na ng Malacañang. Hindi ba't pinagbabakasyon na siya base sa statement ni Press Undersecretary Lorelie Fajardo? Nagmatigas naman si Chavit at ang katwiran ay wala raw siyang kasalanan. Mas gugustuhin pa niyang tanggalin na lang siya sa puwesto kaysa mag-leave. Hintayin na lang natin kung ano nga ba ang kalalabasan ng lahat ng kontrobersiyang ito. * * * Narinig na ba ninyo ang kuwento na iniisip daw ni Hayden Kho na kapag sinuspinde ng PMA ang kanyang lisensiya sa pagka-doktor ay balak niyang mag-aral muli at law ang kukuning kurso? Marami tuloy ang napaisip na dahil ba ito sa naging karanasan niya kaya gusto rin niyang maging abogado? O, marahil nasabi niya ito para hindi masayang ang kanyang panahon habang wala siyang trabaho. At malamang sa kinasangkutan niyang kontro-bersiya ay inayawan na niya ang showbiz at anumang may kaugnayan dito. * * * Hindi na makapasok maski sa kanyang madalas na kinakainang karinderya ang isang dating sikat na female bold star. Hindi na rin kasi siya pinauutang sa ka-rinderya dahil sa haba ng kanyang listahan doon. Iisipin mo ba na ang isang female bold star na dati ay sikat na sikat at madalas nakikita sa five star hotels na may kasamang mga DOM ay ni ayaw nang pautangin sa karinderya ngayon? Kawawa rin naman ang kalagayan niya kung iisipin. Iyan na nga ba ang madalas mangyari sa mga artistang hindi marunong mag-ipon noong panahong malaki ang kita nila. Source: Taliba |