Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Thalia, balik Pinas!

Thalia, balik Pinas!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Ang Q-11 ang nakakuha ng karapatan na maipalabas ang sikat na reality talent search sa buong mundo, ang American Idol.

Muli ngang haha­ngaan ng mga Pinoy ang host na si Ryan Seacrest. At aabangan na naman ang maaanghang na komento ng mga AI jud­ges na sina Paula Abdul, Randy Jackson at Simon Cowell.

Well, sino kaya ang susunod sa mga yapak nina Kelly Clarkson, Ruben Studdard, Fantasia Barrino, Carrie Underwood, Taylor Hicks at Jordin Sparks?

Ngayon pa lang, si­guradong tututukan na mga Pinoy ang ika-pitong American Idol, lalo pa at may mga balita na sa batch na ito makikita ang pinakamagagaling na Idol hopefuls sa kasaysayan ng programa.

Magsisimula na ang American Idol sa Q-11 sa January 16.

***

Balik Pilipinas na naman si Thalia.

Ipalalabas nga ng Q-11 sa January 14 ang Rosalinda, na bida si Thalia, kasama si Fernando Carillo. Ibabalik nila ang mexicanovela na Rosalinda, na minsan na ring kinabaliwan ng mga Pinoy.

Si Rosalinda nga ay ang babaeng malambing, mapagmahal at masipag na dalaga, na nagtatrabaho sa flower booth ng kanyang lolo, upang tulungan ang kanyang ama at mga kapatid na sina Fedra, Lucy at Beto.

Siyempre, muli ring pakikiligin nina Rosalinda at Fernando Jose (Carillo) ang kanilang mga tagahanga.

Ilan pa sa mga magbibigay saya sa Rosalinda ay sina Solidad (Angelica Maria) at Alfredo (Manuel Saval).

Source: Abante