|
|
| The Big Switch: Jennylyn Mercado to ABS-CBN, Hero Angeles to GMA-7![]() Author: Ruel Mendoza
Si Hero ang kauna-unahang winner ng Star Circle Quest ng ABS-CBN samantalang si Jennylyn naman ang first Ultimate Female Survivor sa StarStruck ng GMA-7.
Malakas ang bulung-bulungan na pipirma na raw sa GMA Artist Center si Hero, samantalang si Jennylyn naman ay malaki ang posibilidad na lumipat na sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa Artist Center sa February 2008.
Mula sa isang tao na konektado sa GMA-7, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakahanda na raw ang pagpirma ni Hero bilang Kapuso talent. Ang nag-aasikaso raw ng napipintong pagpirma ng young actor sa GMA-7 ay walang iba kundi si German "Kuya Germs" Moreno na tumatayong consultant ngayon ni Hero.
Samantala, hindi rin mamatay-matay ang isyu na lilipat na sa ABS-CBN si Jennylyn. Mula pa rin sa isang reliable source, sigurado na raw ang paglipat
Lalo pang umigting ang balita na lilipat na nga si Jennylyn sa ABS-CBN nang magbitiw siya ng salita sa panayam niya sa PEP na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa Kapamilya network.
Aniya, "Hanggang next year pa ang contract ko sa GMA Artist Center. Pag-uusapan pa rin po naman namin ‘yon ng manager ko at ng GMA. Pero hindi ko po isinasara ang pintuan na puwede akong lumipat sa ABS-CBN."
Ang pahayag na ito ni Jennylyn ay taliwas sa sinabi niya noon na hindi na siya magre-renew ng kontrata sa manager niya na si Becky Aguila kapag nag-expire na ito next year. Ilang beses din niyang sinabi na "loyal" siya sa GMA-7 dahil dito siya nakilala at sumikat.
Matatandaang nagkalamat ang relasyon ni Becky at ng GMA-7 management nang inilipat ng talent manager ang dating prized talent ng Kapuso network na si Angel Locsin sa ABS-CBN. Dahil dito ay nadamay ang iba pang mga alaga ni Becky na nasa GMA-7, partikular na si Jennylyn.
Sa ngayon, bukod kay Angel, halos lahat ng mga alaga ni Becky na dating nasa GMA-7 ay nasa ABS-CBN na gaya nina Valerie Concepcion at Charming Lagusad. Kaya hindi rin malayong sumunod sa kanila si Jennylyn.
Additional report by Erwin Santiago Source: Philippine Entertainment Portal |