|
|
| The end of Dingdong-Marian loveteam?Author: GMANews.TV Sa nalalapit na pagwawakas ng "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," batid na raw nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung ano ang mami-miss nila sa isa't isa dahil baka ito na rin ang huli nilang pagtatambal bilang loveteam. Sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Martes, sinabing kinunan na sa Subic ang huling mga eksena sa primetime soap ng Kapuso Network na "Ang Babae..." At hindi naman itinago nina Dingdong at Marian ang lungkot na kanilang nararamdaman. "Siyempre nakakalungkot. Hindi naman sa nasanay pero simula kasi nang magsimula ako sa primetime siya parati kong kasama. Kung mayroon mang susunod na hindi ko siya kasama siguro makakapanibago," pahayag ni Marian kay entertainment reporter Lhar Santiago. "Malaking bagay yung nasanay kami na magkakasama parate almost everyday para sa trabaho, and so suddenly biglang maiiba 'yan," idinagdag ni Dingdong Ano naman kaya ang mami-miss nila kapag ibang Kapuso stars na ang kanilang katambal? "Tipong 'pag magla-lunch, 'ano kain tayo sa labas,' ganyan-ganyan. Tsaka laging nandyan (siya), 'ano gusto mo ng tubig? Maalalahanin kasi siyang tao, sobrang sweet," kwento ni Marian. "Yung pagiging makulit...nagbibigay ng buhay sa mga tao na nagtutulug-tulugan dito," hirit naman ni Dingdong. Kahit magkaroon ng mga bagong katambal, pangako nina Marian at Dingdong na hindi magbabago ang kanilang damdamin para sa isa't isa. "Yung pakikitungo ko sa kanya hindi magbabago 'yan dahil regardless kung trabaho man o sa labas e yung pakikitungo ko sa kanya will always remain," pahayag ng guwapong aktor. "Yun na 'yon kahit sino hindi na makakabura no'n," sambit ni Marian. - Fidel Jimenez, GMANews.TV Source: GMANews |