Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Third baby ni Manilyn Reynes 'nalaglag'

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MALUNGKOT ngayon si Manilyn Reynes dahil nagka-miscarriage siya sa kanyang third baby last Sept. 2. Na-confine siya sa Manila Adventist Hospital sa Pasay City .

Last Thursday afternoon (Sept. 11) ay naka-pag-report na siya sa ta-ping ng Moms. More than a week pa lang siyang na-kakapagpahinga, pero, pinayagan na siya ng kan-yang doktor na makapag-taping. Sa interview na-min kay Manilyn, bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Laking hina-yang niya sa baby dahil four months na rin niya itong inalagaan sa kanyang sinapupunan.

Si Manilyn ay 37 years old na, pero umaasa pa rin siyang magkakaroon sila ni Aljohn Jimenez ng ikatlong anak. Dahil sa pagbubuntis, na nauwi rin naman sa wala, ilang soaps ang kanyang ti-nanggihan.

* * *

SAMANTALA, ang co-host ni Manilyn Reynes sa Moms na si Sherilyn Reyes (ang isa pang host ay si Lani Mercado) ay nagpapapayat ngayon. Inspiration niya ang husband na si Chris Tan na nakayang mag-trim down ng 25 pounds. Sa one week na pagpapayat ni Sherilyn ay nakaya ni-yang ibaba ang timbang niya sa 12 pounds.

Ani Sherilyn: "Na-ingganyo ako ng asawa ko na mag-training ng weight-loss program. Du'n din nag-attend ng program sina Dingdong (Dantes) at Paolo (Contis). Kaya naniniwala akong maibabalik ko ang ideal weight kong 115 pounds. "

Ayaw tumanggap ng ibang trabaho ni Sherilyn sa ngayon. Sa Moms lang daw muna siya. Kasi, ma-dalas daw silang mag-bu-siness trip abroad.

Siya sana ang lalabas na wife ni Janno Gibbs sa Code Name: Asero kaya lang tinanggihan niya ito.

* * *

contender sa pagka-MVP sa taong ito sa UAAP si Chris Tiu.

Nasa No. 3 na siya sa ranking, at puwede pa ni-yang malampasan ang kanyang mga kalaban sa pagka-MVP. Pero, ang mas mahalaga sa kanya ay maipanalo ang Ateneo Blue Eagle team sa li-ga ng UAAP sa taong ito. Masaya na siyang magga-graduate sa Ateneo kapag naipanalo niya ang kanyang team. Sa nga-yon ay kinukonsider si Chris na pinaka-popular player as in superstar ng Ateneo Blue Eagle Team. Salamat sa dalawang shows niya sa GMA-7, ang Pinoy Records (tuwing Sabado) at Ripley's Believe It Or Not (Monday night).

Anyway, this Saturday sa Pinoy Records ay tampok ang dalawang sexy actresses na sina Krista Ranillo at Sex Bomb Sandy para sa Fear the Record portion kung saan tatagalan nila ang maki-pagniig sa mga buwaya.

* * *

BALIK-busy sa hosting si Paolo Bediones nga-yon sa GMA-7.

Aba, bukod sa Tok Tok Tok, eh, sisimulan na sa Monday ang Survivor Philippines. Tapos, ngayong Sabado ay nasa Nuts Entertainment siya.

Igigisa siya nina Joey de Leon, Janno Gibbs at Anjo Yllana sa 'hot seat. '

Hightlight ng Q&A kay Paolo ang balitang minulto ang taping ng Survivor Philippines sa Thailand, at 'yung tung-kol sa girlfriend ni Paolo na si Abby -- kung papa-ano nila napapanatili ang regular communication kahit nasa Devil Island sa Thailand siya.

* * *

BAGONG set at bagong costume ang inyong mapapanood sa Takeshi's Castle ngayong Saturday and Sunday.

Ibang games ang paglalaruan ng local talents ng GMA-7 na ang pinuno ay sina Joey de Leon at Ryan Yllana. Ang Take-shi's Castle ay nanatiling No. 1 sa timeslot nito tuwing weekends.

Source: People's Journal