|
|
| Third movie nina Sarah at John Lloyd malabo naAuthor: John Fontanilla Dahil sa nagsusulputang intriga mukhang malabo ng matuloy ang third installment sa blockbuster movies nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na A Very Special Love at You Changed my Life. Tsika ng Careline image model na si Sarah, maraming factors na dapat i-consider at marami pang puwedeng mangyari kaya hindi pa siya makapagsalita kung may third screen team-up sila ni Lloydie. Umaasa rin ang Pop Star Princess na magkaroon ng part 3 ang screen tandem nila ni Lloydie at sana raw ay magustuhan pa rin sila ng mga manonood. Subalit dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang ina at si John Lloyd ay mukhang wala pang kalinawan ang pagtatambal nilang muli. Ayaw na raw magkomento ni Sarah tungkol sa isyu ng kanyang ina at ni John Lloyd para hindi na ito lumaki at tuluyan nang matapos. Naawa na raw ito sa kanyang ina na lagi na lang nami-misinterpret ng ilan. * * * Mukhang wala nang effect ang pananahimik ni Maricar Reyes tungkol sa very controversial sex video nila ni Hayden Kho para panabikan siya ng mga manonood. Kung nanalo sa rating ang pilot episode ng kanyang pinagbibidahang show sa Dos kontra finale episode ng Dear Friend na "Bakas-yunista," ay talo naman ito sa pilot episode ng bagong episode ng Dear Friend na "Kay Tagal Kang Hinintay," na pinagbibidahan ng GMA Drama princess at image model ng Fragrances of The Stars na si Sunshine Dizon, with Polo Ravales at Chynna Ortaleza. Mukhang naumay na nang husto ang mga ma-nonood kay Maricar na naging instant hit sa sex scandal kay Hayden Kho. Marahil masyadong na-miss naman ng televiewers ang tambalang Sunshine at Plo Ravales, kaya inaba-ngan talaga ang muling pagsasama ng dalawa. Kunsabagay, may sariling hatak talaga si Sunshine sa mga manonood dahil halos lahat ng pinagbidahan nitong shows sa GMA-7 ay talaga namang may mataas na ratings at nagbibigay ng karangalan sa Kapuso Network. Tulad na lang ng pagkakapanalo ni Sunshine ng acting awards sa iba't ibang award-giving bodies. * * * Pumalo sa taas ng rating ang huling final episode ng Daisy Siete "Kambalilong" episode last Friday. Nagtapos ang Season 22 sa isang pinakamalaking awards night sa Daisy Siete entitled Silver Screen Awards. Parang totoong awards night ang Silver Screen Awards, complete with all the lights, designs and adornments na makikita sa tunay na buhay. Sobrang pinabongga ng production designer na si Jojo Cueto and his team ang set na parang tinalo pa ang ibang tunay na awards night sa ganda at sa dating. Komento nga ni Ms. Joy Cancio, maraming revision ang kanilang ginawa for this final episode para talagang magustuhan ng televiewers. Napapanood na rin ang bagong season ng Daisy Siete na "Chacha Muchacha" sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. * * * Speaking of "Chacha Muchacha," very happy naman ang young actor at miyembro ng Dance Squad Singers na si JR de Guzman dahil kasama na naman siya sa cast after ng Daisy Siete "Kambalilong" episode. Very thankful ito kay Ms. Joy, producer ng E Focus, at kay Direk Roel Ikamen gayundin sa lahat ng bumubuo ng Daisy Siete. Bukod sa Sexbomb Girls ay kasama rin sa nagong season ng Daisy Siete sina Irene Celebre, Ms. Daria Ramirez, Daniel Fernando, Tariq Jambogana, Julian Trono, Lou Veloso, Kurt Dreo at Dax Martin. * * * After the July 26 concert sa Metro bar ng tinaguriang Chicago teen diva na si Shane Ortiz ay lilipad ito papuntang Saipan at Guam para mag-perform sa ating mga kababayan doon. Lilibutin ni Shane ang iba't ibang lugar sa Guam at Saipan para pasayahin at awitan ang mga kababayan doon. Makakasama ni Shane sa naturang show ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omusura at ang Dance Squad Singers. Samantala, makakasama naman ni Shane sa kanyang How Am I Metro Bar concert sina Ronald Humarang, Gerald Santos, Dance Squad Singers & Dancers, Ramil Omusura, Smart Movers, EM A Domingo, Pinoy Republic, Colors, JenniferMaravilla, Glee Nette,Franz Matos, John Michael Pangilinan, Justine, Fidel Samonteza, Rash Jusen atbp. Ito ay hatid ng Neli's Production sa pakikipagtulungan ng Metro Bar, Everbilena/Careline at ng Aficionado Germany perfume at Joel Cruz Signatures. Source: Taliba |