Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Tirso, nagsasayaw pati sa pagtulog!

Tirso, nagsasayaw pati sa pagtulog!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Pinatunayan ni Tirso Cruz III na wala pa rin siyang kupas at kaya pa talaga niyang makipagsabayan kahit kanino sa dance floor. Last Sunday, sila ni Mia Pangyarihan ang nanalo sa laban nila nina Michael de Mesa at Aira Bermudez sa 2nd monthly champion ng Shall We Dance? The Celebrity Dance Challenge.

Sabi ni Pip, sineryoso talaga niya ang laban na ito nila ni Michael. Tini-tape pa niya ang rehearsals nila ni Mia at pinanood sa bahay para pag-aralan. At ang ikinaloka pa ng misis ni Pip, pati sa pagtuloy ay nadala niya ang pagsasayaw.

"Nakita ko siya na nagsasayaw habang natutulog. Kahit tulog, nagpapraktis siya," sabi pa ni Lyn.

Anyway, wish ng SWD, lahat daw sana ng sasali sa kanila ay kasing-seryoso at determinado ni Pip para mas maging masaya ang mga manonood.

Samantala, sasabak na sa dance floor ang third batch ng Season Two ngayong gabi, (May 14, 9:00 pm) sa ABC-5 sina Melanie Marquez, Desiree del Valle, Philip Cesar at Joshua Zamora. Sigurado ako, bongga na naman ang laban nila kaya happy na naman ang host ng Shall We Dance na si Lucy Torres-Gomez.

***

Wala na talagang aawat pa kay Sam Milby. Aba, ang first major concert naman niya sa De Paul College Football Field, sa Jaro, Iloilo City sa June 10, 2006 ang pinaghahandaan niya, na ang title ay SAM IN A MILLION.

Guest dito ni Sam sina Tata Villaruel, Vino Bello, Tony dela Paz at Jay Perillo, at si Chokoleit.

Excited si Sam Milby na ma-meet ang mga Ilongo supporters niya. Eh, love na love nga raw si Sam ng mga Ilongos dahil sa kanyang wholesome aura.

Katunayan, ang youth group na pinamumunuan ng anak ng governor na si Lex Tupas ay bibigyan ng award si Sam bilang ADOPTED SON OF ILOILO.

Sam has prepared many beautiful songs for his Ilongo fans.

"I love Iloilo. My publicist and producer of this show Jobert Sucaldito is from Iloilo that�s why Ilongos have a soft spot in my heart," say ni Sam.

Ang SAM IN A MILLION ay tutulong sa De Paul College Scholarship Foundation.

Media partners in Iloilo are ABS-CBN Iloilo, Skycable, MOR, Aksiyon Radyo, Manila Bulletin, Panay News, Sunstar Iloilo, The Guardian, among others. Major sponsors are Coca-Cola Bottling Co. Phil. (Iloilo), Al Dente, Villa Regatta and Amigo Terrace Hotel.

Source: Abante