|
|
| Toni Gonzaga, atat na atat kay Robin!![]() Author: Abante Wala pang kasiguraduhan kung si Toni Gonzaga nga ba ang magiging leading lady ni Robin Padilla sa gagawin niyang Star Cinema movie. Lumalabas kasi na si Bea Alonzo raw ang makaka-partner ni Binoe. Pero, very vocal si Toni sa pagsasabi na pangarap niyang maka-partner si Robin. Sabi nga niya, dream project for her 'yon. “I've been very vocal naman noon pa na isa sa mga pangarap kong makatrabaho ay si Mr. Robin Padilla. Like right now, I'm very happy kasi, katrabaho ko si President Erap. So, siguro, isa 'yun sa maidadagdag ko sa portfolio ko kung makakatambal ko si Robin. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ko pa masabi kung ano ang mangyayari,” say ni Toni. Paano kung kay Bea mapunta ang project? “Okey lang naman, kasi gaya nga nu'ng sinabi ko, pangarap lang naman 'yun. Hindi naman 'yun 'yung go na go na ako na heto na, naka-set na ang mind ko. “It will always remain as a dream project for me. If it happens, I'm really thankful. If not, I'll just happy na kung maging Kapamilya siya, makikita ko siya sa compound ng ABS.” Sa kasakuluyan ay may sinu-shoot na movie si Toni, ang Ang Tanging Pamilya, na kung saan nga ay naka-experience ng tragedy after i-shoot si Mommy Dionisia sa General Santos City. Lumubog ang SuperFerry 9 na lulan ang mga crews ng Star Cinema at mga equipments na nagkakahalaga ng halos 55 million pesos. At ikinasawi ng isang crew na si Ronnie Estrada. Medyo naantala ang shooting nila dahil in mourning pa raw silang lahat. Pero kung walang aberya, posibleng nakapag-resume shooting na sila noong Friday. “After ng shooting, may plano na lahat kami, dadalaw sa wake kung maagang matatapos ang shooting. Siyempre, nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot ang nangyari. Like ako, when I heard the news, para akong nanghina talaga. “'Yung mga crew pa naman, sa lahat sa shooting, sila 'yung masasabi natin na talagang pagod at puyat. Then, ganoon pa ang nangyari.” Hindi raw niya alam kung ano ang negotiation na nagaganap especially sa pamilya ng nasawi at ng Super Ferry. “I'm sure they'll be taken care of. Kami rin, like ako, tutulong din ako sa abot ng aking makakaya.” At present, napapanood si Toni sa afternoon series na PHR presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin bilang maid ni Derek Ramsay at mai-in-love rito. Nang tanungin kung sakali at wala siyang boyfriend at wala rin girlfriend si Derek ay posible raw kayang ma-in-love siya rito? “Mabait naman si Derek, gentleman at napaka-down-to-earth. For me, it's always a pleasure working with him,” say na lang ni Toni. Source: Abante |