| | Toni Gonzaga wants to work with Robin Padilla Author: Heidi Anicete Tunay na inaabangan na sa ngayon ang upcoming star-studded comedy film na pinamagatang Tanging Pamilya, kung saan bahagi rin ang isa sa mga celebrated na aktres ng kasalukuyan na si Toni Gonzaga. Sa isang panayam sa SNN, masayang ibinahagi ni Toni ang ilan sa mga naenjoy niyang moments kaugnay ng pagshu-shoot ng nasabing pelikula. Malugod namang ikinwento ng dalaga ang naging masayang experience niya sa sa hometown ng kanyang co-star na si Nanay Dionesia Pacquiao sa General Santos City. Lubos raw na ikinataba ng puso niya ang naging mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao doon, at higit pa dito, tila raw ikinataba rin niya ang sunod-sunod na mga handaang sumalubong sa kanila.
Sa nasabi ring panayam, sinubukang kunin ng SNN ang reaksyon ng aktres kaugnay ng minsang pagsasapubliko ni Robin Padilla ng kanyang paghanga sa angking talento sa pag-arte ni Toni, partikular na sa pinagbibidahan nitong serye ngayon na Precious Hearts Romance. Agad na tugon naman ni Toni dito, "Natutuwa naman ako dahil napanood niya yung Precious Hearts; at saka sa magagandang sinabi niya, thank you."
Tinatayang matagal nang pinapangarap ni Toni na makatrabaho ang tinaguriang Bad Boy ng industriya noon pa man, kaya naman para sa paparating na James Bond inspired movie ni Robin ay handa ring sumabak ang dalaga sa audition kung kinakailangan. Pagbibigay diin pa nga niya dito, "Pangarap ko lang naman din na makasama siya, so kung mabibigyan ako ng pagkakataon, isa 'yon sa magiging highlight ng career ko." Source: ABS-CBN Interactive |
|