Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Toni at Alex, 'binabanatan' ng Kim-Gerald fans!

Toni at Alex, 'binabanatan' ng Kim-Gerald fans!

Author: Rey Pumaloy

Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga raw ang mga bagong tinitira ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Kuwento ni Alex, gulat na gulat siya nu'ng ikinuwento sa kanya ng mga kaibigan niya na tinitira-tira sila ni Toni ng Kimerald sa iba't ibang blogs sa Internet.

Sabi pa raw, nagbabanta pa raw ang mga fans nina Kim at Gerald na mag-rally sa harap ng TV5, at gusto rin daw ng mga ito na magpunta sa MTRCB para ipasara ang Juicy na hinu-host ni A­lex.

Anyway, hindi apektado si Alex sa mga birada sa kanya ng Kimerald, dahil alam daw niyang wala siyang ginawang masama sa ka­nila. Naloloka lang daw siya dahil pati ang Ate Toni niya ay idina­damay ng mga fans.

“I think, akala nila nagku-comment ako ng negative about Kim and Gerald.

Kung papanoorin nila ang mga episodes ng Juicy, wala akong sinasabing negative kahit kanino kina Kim and Gerald.

“Hindi ako namimin­tas! Kung panonoorin nila 'yung mga episodes namin, hindi ako nagsabing mukhang may tuberculosis si Kim.?Hindi ko gagawin 'yun kasi kaibigan ko si Kim,” paliwa­nag ni Alex.

Si Kim ang unang ina­lala ni Alex sa mga pana­nakot sa kanya ng mga fans, kaya tinawagan niya agad ang dalaga.

“Tinanong ko siya kung galit ba siya sa akin. Sabi niya, hindi raw. Sinabi ko nga sa kanya na tinitira ako ng mga fans nila ni Gerald.

“Sabi naman ni Kim, huwag ko na lang daw pansinin. Sabi pa niya, kakausapin daw niya ang mga fans niya.

“Kung meron mang unang-unang magri-react kung may nasabi akong masama sa isang artista o kay Kim, 'yun ay ang mommy ko. Ayaw ng mommy ko na nagsasa­lita ako ng hindi maganda sa isang tao.

“At saka, sinasabi ko nga na gandang-ganda ako kay Kim. So, bakit ako magsasabi ng negative about her, eh 'di parang kinontra ko na ang sarili ko!” pahayag pa rin ni Alex.

Source: Abante