|
|
| Toni bigo kay Vhong![]() Author: Leo M. Bukas MAY mga inamin si Toni Gonzaga sa presscon ng movie nila ni Vhong Navarro na My Only U. Matagal na pala ni-yang type si Vhong si-mula pa nang nagsama sila sa Wazzup, Wazzup ng Studio 23. Hinihintay ni Toni na ligawan siya ni Vhong noon, pero hindi raw gi-nawa ng komedyante. Lahat daw kasi ng sinasabi ni Vhong ay dina-daan lang nito sa biro. âMuntik na talagang maging kami. Kaya lang nuâng nalaman namin na pareho kaming may nararamdaman sa isaât isa, nag-decide kami pareho na huwag na lang naming i-pursue âyon,â katwiran ni Toni. Ayon naman kay Vhong, kaya hindi niya niligawan si Toni that time, dahil nahihiya siya sa parents nito na laging nakabantay sa dalaga. âPalaging nandoân ang parents niya kaya hindi ako makaporma. Tsaka, bata pa siya, eh. Ayoko rin na magkaro-on kami ng problema kapag naging kami na. âMay mga nakikita kasi akong ganuân. Nang nagkaroon sila ng relasyon, apektado na ang work nila ka-pag nag-aaway sila,â pahayag ni Vhong. Ngayon ay pareho nang may karelasyon ang dalawa. Si Toni kay Direk Paul Soriano at si Vhong naman kay Desiree del Valle. Hanggang movie na lang ang kanilang pagiging sweet sa isaât isa dahil pareho na silang taken. Kaya naman ayon sa dalawa, ibinuhos nila nang todo ang pagmamahal nila sa isaât isa sa My Only U na idinirek ni Ca-thy Garcia-Molina na fresh pa from the success of A Very Special Love. * * * Isang bonggang seleb-rasyon na naman ang magaganap sa ASAP â08 today, sa ABS-CBN. Maghaharap sa ASAP dance floor ang mga pinaka-maalindog at nagsiseksihang kababaihan ng Banana Split na sina Cristine Reyes, Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, Roxanne Gui-noo, Princess Ryan at Dianne Medina. May showdown din ang Pop Princess ng bansa na si Sarah Geronimo at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Sa Asap music room, may mga patikim ang Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby sa kanyang nalalapit na concert sa Aliw Theater on Oct. 25. At isang welcome party ang hatid ng ASAP sa nalalapit nang ipalabas na programa sa Hapontastic, ang Pieta with main cast Ryan Agoncillo, Cherie Gil, Lance Ray-mundo, Janus del Prado, Jairus Aquino at iba pa! Humanda sa breath-taking numbers na pinaghandaan ng ating Kapamilya stars nga-yong Linggo, hatid ng nangungunang Sunday-afternoon prog-ram, ASAP â08, pagka-tapos ng Matangla-win, sa ABS-CBN. Source: Taliba |