|
|
| Toni binastos ni Sam![]() Author: Gerry Ocampo Hindi kaya alam ni Sam Milby na tila nabastos niya si Toni Gonzaga nang sabihin nito sa harap ng press na makapal pa raw ang buhok ng aktres sa kili-kili kaysa bigote. Tinanong kasi si Sam kung ano ang memorable na pangyayari sa muli nilang pagsasama sa pelikula ni Toni Gonzaga. "Minsan, I greeted her (Toni). Itinaas niya ang kanyang mga kamay, eh, naka-sando lang siya," bungad ni Sam. At idinugtog ang, "There were more hair than balbas. " Napikon yata si Toni pero hindi lang nagpahalata kaya bigla raw itong nagsa-lita nang, "Eh siya (Sam) naman, mahilig umutot. " Hindi kaya pagkatapos ng pelikulang pagsasama-han nila ay hinding-hindi na papayag makipagtambalan si Toni kay Sam? Ano sa palagay mo, my dear editor? * * * Maganda ang hangarin ni Ogie Alcasid sa fundraising concert na Kaya Natin Ito sa Mall of Asia Concert Grounds on Dec. 5. Ang malilikom kasi sa naturang concert ay ibabahagi sa mga nawalan ng bahay at pamilya na sinalanta ng bagyong Ondoy at Pe-peng. Happy si Ogie dahil ma-raming artista na ang nagpasabing susuporta sa project niya na magkakaroon ng TV launch sa Nov. 15. Una nang nag-commit sa Kaya Natin Ito concert ay sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Martin Nievera, Charice Pempengco, Yen Constantino, Sarah Geronimo at Michael V. * * * Marami pa rin ang hindi makapaniwalang si Heart Evangelista ang nanalong Best Actress sa FAMAS sa role niya sa indie film na Ay Ayen. Tinalbugan pa niya ang acting ni Anne Curtis sa Baler at Judy Ann Santos sa Ploning. Mantakin mo raw na matalo ang pelikula ni Heart na first day at last day daw nang ipalabas sa mga sinehan? Pagtatanggol naman ng tagasuporta ni Heart, hindi raw nakukuha sa resulta sa takilya ang galing sa acting ng isang artista. Nabigyan daw kasi ng tamang emosyon ni Heart ang role sa Ay Ayen na nagustuhan ng grupo ng FAMAS. Anyway, hindi naman dinamdaman ni Heart ang batikos na wala siyang kara-patang manalong Best Actress. Lalo na ngayon na magagandang project ang ibinibigay kay Heart. Siya ang napiling maging anak ni Sharon, kapalit ni Angel Locsin, sa Mano Po 6, entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival sa December. Siya rin ang partner ni Richard Gutierrez sa local version ng Koreanovelang Full House na malapit nang mapanood sa GMA-7. Dahil dito, kai-langan pa bang pa-tulan niya ang mga naririnig na intriga? * * * Bago umalis patungong Tate ni Manny Pacquiao, nagpamisa ang executive ng GMA-7 para sa tagumpay nito sa laban kay Miguel Cotto sa Las Vegas sa Nov. 14. Love si Pacman ng pamunuan ng Siyete at mga kasamahan sa Show Me Da Manny na sina Marian Ri-vera, Lovi Poe, Tuesday Vargas, at iba pa na napapanood tuwing Linggo. Alay ni Pacman ang laban sa ating bansa at mga kasamahan sa showbiz na nagbibigay-suporta tuwing may laban siya. Sana ay manalo si Manny para muling magbunyi ang sambayanang Pilipino at co-stars niya sa sitcom dahil tiyak magiging bongga ang Pasko nila. * * * Sa set ng shooting ng Sagrado Pamilya ay inamin ni Felix Roco na naghubo't hubad siya nang kunan ang love scene with Lovi Poe. Pero ang gumulat sa amin ay nang aminin ng anak ni Bembol Roco na umiyak ito matapos kunan ang controversial love scene. Tila baligtad yata ang nangyari. Sa halip na si Lovi ang umiyak dahil first time ginawa ng dalaga ang maki-pagromansahan sa kama, ay ang lalaki pang umiyak. "Ayoko po kasing ma-kilala sa showbiz dahil nag-hubad ako sa pelikula. 'Yun po ang ikinaiyak ko. Ayo-kong ma-identify na huba-dero," paliwanag ni Felix. Inamin din niyang tinab-lan siya sa love scene nila ni Lovi. Iginiit din niyang nag-topless ang young actress nang kunan ang eksena pero it was done in good taste. Taliwas sa sinabi ni Lovi na naka-tube blouse siya nang gawin ang eksena at likod lang daw niya ang ipi-nakita. Well, palaisipan tuloy sa amin kung sino ang nagsasabi ng totoo? Si Felix, na kaswal nang sabihin na topless si Lovi o ang young actress na naka-tube blouse daw siya? Anyway, baka magpa-tawag ng press preview si Leo Dominguez at 'yan ang tiyak naming aabangan sa kabuuan ng pelikula, kung saan kasama rin sina Emilio Garcia, Gloria Diaz at maraming iba pa. Source: Taliba |