Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Toni, feeling anak ni Erap!

Toni, feeling anak ni Erap!

Author: Dondon Sermino

SOBRANG suwerte ang tingin ni Toni Gonzaga sa sarili, dahil nakakatrabaho niya ngayon ang mga sikat na perso­nalidad sa Pilipinas.

Aba, sa pelikulang ginagawa niya ngayon sa Star Cinema, katrabaho lang naman niya sina dating Pangulong Joseph 'Erap' Estrada, ang nanay ni Manny Pacquiao na si Aling Dionisia Pacquiao, ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, at ang heartthrob na si Sam Milby.

Ang dami-dami ngang kuwento ni Toni tungkol kina Erap at Aling Dionisia.

Bilib na bilib nga siya sa dalawa, dahil pareho raw masarap kasama, at wala raw silang ginagawa sa syuting kundi ang magtawanan nang magtawanan.

“Parang hindi kami nagtatrabaho. Tawanan kami nang tawanan.

“Si Aling Dionisia, komedyante siya talaga. Kahit hindi siya nagpapatawa, matatawa ka talaga.

“Natural talaga siya. Kapag nagsalita siya, iba talaga. Natural na cowboy at komedyante. Ang bait-bait pa niya.

“Masaya talaga kami sa set. Para kaming nag­lalaro. Tawa lang kami nang tawa.

“With Pres. Erap naman, ang galing niyang ma­kisama sa a­ming lahat.

Parang mga anak ang tu­ring niya sa amin. Para ka­ming pa­milya niya.

“Ang feeling ko nga, anak talaga niya ako, eh. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, ang tawag niya sa akin, 'anak'. Parang daddy talaga siya sa set.

Daddy ang tawag ng lahat sa kanya.

“Tapos, palaging maraming pagkain sa syuting. Bongga kaming lahat.

Everyday, may food. Mahilig siyang kumain, eh. Kung anu-ano ang pagkain namin. May buffet talaga.

“Hindi ko alam kung siya ang nagpapa-cater. Hindi ko na kasi tinatanong.

Siyempre, nahihiya naman ako. Basta kain na lang ako nang kain. Happy lang ako. Eat lang nang eat. Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang kuwento pa rin ni Toni.

Anyway, hindi lang sa career suwerte si Toni, dahil heto nga at maganda pa rin ang takbo ng love life niya kay direk Paul Soriano.

“Tahimik lang siya. Okey naman kami. Maayos naman.”

Magta-tatlong taon na nga ang relas­yon nina Toni at direk Paul. At tulad ng dati, maingat si Toni sa pagkukuwento sa pag-iibigan nila ni direk Paul.

“Mag-concert na lang muna tayo! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi na lang ni Toni, ang tinutukoy ay ang kanyang Level Up (The Provincial Tour).

Source: Abante