|
|
| Tonyboy, 'best friend for life' ni GretchenAuthor: Vinia Vivar KAHAPON ay nagkaroon ng presscon-launching ang Complicated album ni Gretchen Barretto at siyempre, ang tungkol pa rin sa relasyon nila ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco ang kinalkal ng press sa individual interview. Muli ay tinanong si Greta kung hiwalay na ba talaga sila o hindi pa? "Ano bang gusto n'yong marinig, oo o hindi? "Siguro 'yun ang dapat kong tanungin. Ano ang gusto n'yong sagot na marinig kasi kahit anong sabihin ko, wala namang maniniwala, 'di ba? "Tony is my best friend and we will be BFF, best friends for life. "For me kasi, 'yan ang highest form of relationship, 'di ba? Mag-friends kayo. That's what's important. We have respect and we have love for each other," pahayag ni La Greta. Inamin din ng kontrobersyal aktres-singer na sad siya ngayon at may pinagdaraanan. "Sad ako today. Oo, meron akong pinagdaraanan. Tao lang tayo, 'di ba? You have happy times and you have not so happy times. " Isa pang tanong sa kanya ay kung paano niya ide-define ang Gretchen noon at Gretchen ngayon. "I used to live in a shell, safe from the storm, but now, tell me where did I go wrong, what did I do to make you change your mind completely, when I thought this love would never end," sabi ni Gretchen na hango sa mga linya ng kanyang Ready to Take a Chance Again, ang carrier single ng bagong CD niyang Complicated, at Tell Me, isa sa cuts ng album. "I'm still okay, I'm still fine, bye! Kapag hindi pa natin tinapos ito, baka kung ano pa ang masabi ko," say ni Greta sabay tayo. * * * Tulad nina Roxanne Guinoo at Dianne Medina, mamamaalam na rin si Valerie Concepcion sa Banana Split. Kinumpirma ito ni Becky Aguila, manager ng young actress-singer kahapon, matapos makipag-meeting sa production noong Lunes. Ayaw nang idetalye pa ng manager ang rason at instead, aniya ay maayos silang nag-usap. Gusto lang niyang klaruhin na hindi tungkol sa performance ni Valerie ang dahilan. "It's not about the performance or attitude. Val was doing well but we really had to let it go," sabi ni Tita Becky. May balita namang nakarating sa amin na tila sa budget nagkaroon ng problema dahil binabawasan ng TF (talent fee) si Valerie since nagku-cost-cutting ang programa. Ayon kay Tita Becky, basta maayos silang naghiwalay and no hurt feelings. "Remember the saying that when a door closes, another door opens. Valerie had the opportunity to show her versatility in Banana Split even for a short period of time. Moving on to greater glory and success," text ni Tita Becky sa amin. Alam na rin ni Val ang naging resulta ng meeting at maluwag naman daw sa loob ng young actress na magpaalam. "Siya pa nga ang nagsabi sa akin na 'okay lang 'yon, Tita,' kapag may umalis naman may dumarating. Very positive ang outlook ni Val about it," pahayag pa ng manager. * * * Bukod sa seryeng May Bukas Pa, bising-busy si Maja Salvador sa promo at campaign ng Sisters Sanitary Napkin, ang latest endorsement na tinanggap niya. Last March 27, dumalo kami sa ginanap na Sisters Achievement Day na ginanap sa Ever-Commonwealth, na dinaluhan ng ilang young celebrities at ni Maja, of course. Sa nasabing event ay nagbigay ng tribute ang Mega Soft Hygienic Products, Inc. para sa young achievers kung saan ay 60 female students ang pinarangalan. Anim naman ay napiling maging Sisters Achievers na tumanggap ng trophy, laptop at cash prizes as individual rewards for their outstanding and exemplary achievements. Aside from the awarding, ni-launch din ng kumpanya ang Move Up campaign with Maja. Proud at happy ang young actress na may ganitong campaign ang produktong ine-endorse dahil hindi lamang ito nakaka-inspire sa mga estudyante, nakatutulong din sa public schools na magkaroon ng computers. Hindi man daw bonggang donation 'yon tulad ng ibang kumpanya, pero ang maliit na gesture na ito ay malaking bagay para sa recipients. Source: People's Tonight |