|
|
| Top recording artists record song for cyclone victims![]() Author: Fidel Jimenez Sa pagbihirang pagkakataon nagsama-sama ang top recording artist sa bansa para mag-record ng kanta. Ginawa raw ito ng mga mang-aawit ng buong puso para makatulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy" at "Pepeng." Sa ulat ni entertainment reporter Lhat Santiago, sinabi nito na magaang daw ang pakiramdam ng mga pangunahing recording artist sa bansa habang sama-sama nilang ginagawa ang pag-record sa kantang "Kaya Natin 'To." Ang "Kaya Natin 'To" ang magsisilbing theme song para sa gagawing fund raising concert na gagawin sa Disyembre. Inorganisa ito ni Ogie Alcasid at iba pang taga-music industry para sa mga biktima ng nagdaang mga bagyo. Ginawa ang recording sa bahay ni Jay R. Nandoon sina Ogie at girlfriend nitong si Regine Velasquez. Ilan sa mga singer na dumating para mag-record ay sina Kyla, Jolina Magdangal, Christian Bautista, Rico Blanco, Randy Santiago, Geneva Cruz, at Rochelle Alejandro. "Yung mga wala sa Pilipinas gaya nina Gary Valenciano, Martin Nieverra, Lea Salonga, ng APO, Kuya Tapales, lahat po sila via email ise-send po nila ang vocal tracks nila," paliwanag ni Ogie sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Ayon kay Ogie, si Jay R ang nagsilbi nilang technician, habang si Regine ang naging voice coach. "Ang aming direktor si 'Ga' offered himself free to shoot everyday, so nakakatuwa," idinagdag ng composer/singer/host/actor. Gumawa rin si Rico ng awitin nito na "Bangon," na gusto niyang ibahagi sa lahat kaya ini-upload niya ito sa computer para magkaroon ng kopya ang lahat. "Ini-encourage ko po na gamitin i-download yung song sa paraan na makatutulong sa ating bayan," ayon kay Rico. This page requires a higher version browser Source: GMANews |