|
|
| Trono ni Dolphy bilang 'bombilya king' inokupa na ni Luis ManzanoAuthor: People's Taliba RUMOR: Hindi raw matu-tuloy ang kasal ngayong taon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil wa-la pa silang napipiling bahay na magiging family home nila. At nag-iisip pa raw ang dalawa kung sino ang magiging best man at magiging maid of honor nila. FACT: Sa pocket interview kay Ryan Agoncillo for his Talentadong Pinoy show sa TV5 aired every Saturday, 7p. m. sinabi ng would-be groom na nakahanap na sila ng bahay ni Juday sa bandang south with four bedrooms plus one room sa den. Ryan added na ang ma-giging best man niya ay ang kanyang one and only bro-ther na si Dondi at si Sharon Cuneta naman ang Maid of Honor. May 4, '09 ang kani-lang napiling date, ayon sa taong malapit sa would-be bride. RUMOR: Natalbugan na raw ni Luis Manzano si Dolphy sa titulong 'bombilya king' dahil siya nga-yon ang tinatawag na Flash Bomba sa ABS-CBN. FACT: Sinabi ni Luis sa preskon ng Komiks Presents Flash Bomba na pinalaki lang ang kanyang mga kamay at mga paa bilang su-per hero ng nasabing telefantaserye ng Dos. Basta ang alam namin, malaki ang puso nito at mas bomba ang pagmamahal na iniuukol sa kanyang sweetheart na si Angel Locsin kung kaya nag-mistula itong super hero sa iniirog nang ma-dengue ang aktres. RUMOR: Sa preskon ng Swatch watch ay sinabi ni Anne Curtis bilang isa sa endorser ng Swatch watch na naniniwala siyang time heals all wounds kung kaya nagkabalikan na sila ni Sam Milby. FACT: Hindi pa raw sila nagkakabalikan ni Sam, sabi ni Anne du'n sa nasabing preskon ng Swatch. But yes, she believes daw that time heals all wounds at ha-yaan na lang muna natin si-yang mag-sing ng awiting may lyrics na. ... "give me just a little more time. " RUMOR: Hindi raw si Pao-lo Contis ang first choice to host GMA7's new game show My Dad is Better Than Your Dad dahil sa la-hat ng nag-audition ay itong si Paolo lang daw ang hindi pa mukhang Dad. FACT: Sina-got ng EP ng nasabing game show na si Paolo ang kanilang original choice whether some may like it or not. At si Donya Lolit Solis ang manager nitong si Paolo, so need we say more pa ba? Yon na! RUMOR : Iniba na raw ang style or tema ng Sharon dahil halos nag-kakapareho lang ng te-ma ang show ni Mega-star at ni Korina Sanchez sa Dos. FACT : Yes, iniba for the better. Mas nakakatawa, mas nakakaaliw ang hatid ngayon ng Sharon show dahil ayon sa business unit head ng show na si Cathy Perez, sa panahon daw nga-yon na may economic krisis ang buong mundo, kinakailangan nating magsaya at maaliw kahit man lang sa panonood ng isang oras sa Sharon to forget problems and all the nega news all over the world. Kaya this Sunday, Feb. 2, ang episode ng Sharon ay Impersona-tors headed by Jon Santos as Ate Vi, Rene Boy Facunla as Ate Glow. Ang co-host ni Mega ay isa ring Kenkoy, si Roderick Pau-late. RUMOR : Ang type na type ni Komiks King Direk Carlo J. Caparas para sa kanyang binatilyong poging dyunak na si CJ ay si Katri-na Halili. FACT : Noon 'yon, sa pres-kon ng Gagambino noon. Pero now, sa preskon ng kanyang another obra titled Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay si Jac-kie Rice na ang lagi nitong bi-nabanggit. At kung si Ma-rian Rivera daw ang babaing hinugot sa tadyang ni Dingdong Dantes, ang esposa na-man niyang si Donna Villa ang babaing hinugot sa kanyang tadyang dahil ang pa-ngalan in real life ni Donna ay Marian. What a coincidence! RUMOR: Sa preskon ng madramang May Bukas Pa ng ABS-CBN ay may halong milagro ni Lord -- na Bro ang tawag ng batang gumaganap na Santino -- ang siyang naging topic. FACT : Ang hirit na sey namin. ... walang himala!( pa-hiram, Ate Guy ) porke ang tao ang siyang gumagawa ng kanyang sariling kaligaya-han at kalungkutan na ewan kung bakit hindi maintindihan ng ilang cast ang naging quotation namin. But Dina Bonnevie being a renewed Christian agreed, in fairness. RUMOR: Nagwagi ang magkapatid na di alam na sila ay mag-kapatid sa teleseries na Tayong Da-lawa na sina Gerald An-derson at Jake Cuenca ng mahigit sa isang milyong piso nang ang dalawa ay maging studio player recently ng Kapamilya Deal Or No Deal. FACT: This monday epi-sode pa ng KDOND malalaman kung 2 milyon or 4 milyon ang napanalunan ng Gerald at Jake at kung sa-sabihin nila sa isa't isa ang katagang. .. . "Tayong Dala-wa" lang ang maghahati ri-to, ha! Na ewan kung ha-ting kapatid ang mangyayari. Panoorin na lang natin sila this Monday, Feb. 2 sa KDOND kung talagang win galore ang dalawa or kuryente ang tsika. RUMOR: Hindi matang-gap tanggap ni Dennis Trillo na malapit nang magtapos sa ere ang kanyang telefantaseryeng Gagambino. FACT: Inamin naman ni Dennis na lahat sila sa cast ng Gagambino ay nalulungkot sa nalalapit na pagwawakas ng nasabing telefantaserye. Pero ika nga, if God closes a door, he opens a window. At hindi pa man tapos ang Gagambino ay nakatakda nang gawin ni Dennis ang isang programa sa dramarama sa hapon ng GMA-7 na pagsasamahan nila ng kanyang ultimate crush na si Heart Evange-lista. Source: Taliba |