Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Trono ni Marian Rivera, handang agawin ni Iza Calzado!

Trono ni Marian Rivera, handang agawin ni Iza Calzado!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

POSIBLENG ulanin ng intriga si Iza Calzado kapag umere na ang bago niyang show sa GMA 7, ang ESP. Imagine nga naman, leading lady na siya ni Robin Padilla sa Joaquin Bordado, heto at may bago pa rin siyang show.

Ang ESP nga ang ipapalit sa show ni Mel Tiangco na Magpakailanman.
Ang balita ko, mistula itong Iza Calzado Anthologies. Eh, hit ngayon ang mga katatakutan sa TV, kaya ganun ang konseptong napili ng Siyete.
Ang sabi pa, parang ipa-pattern sa TV series sa Amerika na Ghost Whisperer (ni Jennifer Love Hewitt), ang ESP ni Iza.

At ngayon pa lang daw, madugo na ang taping nito, na dinidirek ni Argel Joseph.

Well, once na mailabas na nga ito, bongga talaga ang TV career ni Iza, dahil dalawang malalaking show ang hawak niya, ha!

So, hindi naman pala solo ni Marian Rivera ang pagre-reyna sa primetime sa GMA dahil heto na si Iza Calzado na handang agawin ang trono niya with her two coming shows, Joaquin Bordado at ESP!
***

Nagtatanong ang isa naming reader kung original daw ba ang story ng Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual.

Feeling ng aming reader, hango ito sa istorya ng Blood and Chocolate na kanyang napanood.

Pero 'di ba, ang English ng lobo ay wolf? Wala namang lobo sa Pilipinas, huh!

Obvious naman kasing aso lang ang napapanood sa plugging ng series.

Pinatotohanan din ito ng ilang staff ng programa na trained dog ang ginagamit nila sa taping.

Naku, hindi naman yata makatwiran 'yan! Lobo ang title ng series pero aso ang ginagamit sa ta­ping, huh! Where is truth in advertising sa kaso ng Lobo?

Tapos, ang paeklay ng Dos, ngayon lang sa history ng Philippine TV na sabay-sabay magpi-premiere ang tatlong shows. Eh, ano ngayon?

Paano kung ang “lobo” ng Kung Fu Kids ay “pa-los(t)” na ang espiritu?

Semplang ang ending nito sa lupa, huh! Ha! Ha! Ha! Ha!
***

Samantala, bongga ang Kamandag ni Richard Gutierrez ngayong gabi, dahil kinuha na ni Talim si Lily (Maxene Magalona) sa bahay nito.

Guulat na gulat naman si Don Pepe nang malaman niya na may apo pala siya, si Lucero, kaya gusto niya itong makilala.

Nailigtas naman ni Kamandag si Lily nang i-hostage ito ni Talim. Galit na galit si Kamandag kay Talim. At simula na nga ang matinding laban ng dalawa.

Samantalang si Alicia naman ay maaalala na ang kanyang nakaraan.

Mapagkakamalan niyang anak si Talim.

Ganyan katindi ang labanan ngayon sa Kamandag.
***For comments and reactions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante