Sep 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

Tsismis kina John Prats, Shaina ayaw mamatay

WALANG padding ang harapan ng tatlong bida sa Zaido. Napakalakas ng tawanan sa tanong namin sa press con ng Zaido Pulis Pangkalawakan dahil nakakaagaw pansin ang mga 'orasan' nina Dennis Trillo, Marky Cielo at Aljur Abrenica sa tight-fitting costumes ...

 

Tsismis kina John Prats, Shaina ayaw mamatay

Column: Daily Insider
Author: Dinno Erece

WALANG padding ang harapan ng tatlong bida sa Zaido.

Napakalakas ng tawanan sa tanong namin sa press con ng Zaido Pulis Pangkalawakan dahil nakakaagaw pansin ang mga 'orasan' nina Dennis Trillo, Marky Cielo at Aljur Abrenica sa tight-fitting costumes nila.

Sa tanong namin kung may padding sila, wala raw ang kanilang sagot. Dagdag pa ng tatlo, what you see is what you get daw kaya tiyak na most- watched show ito pagnagkataon.

Na-conscious tuloy sina Marky at Aljur na tuwing nagpapa-interview nakatakip ang harapan nila gamit ang mga helmet nila. Hindi nila gayahin si Dennis na kampanteng-kampanteng magpainterbyu kahit pa sa harapan niya nakatingin ang press at hindi sa mukha niya.

Sabi ni Dennis, wala namang magagawa ang pagiging conscious nila dahil ito ang costumes nila.

* * *
GOOD news about the network war, fully supported ng Star Magic and Artist Center ang pelikulang Pi7ong Tagpo.

Creative Futures recently finished its first movie written and directed by Rahyan Carlos, ang Pi7ong Tagpo. Bongga ang all-cast star ng movie -- Diether Ocampo, Cherry Pie Picache, Karylle, LJ Reyes, Vannes del Moral, Bembol Rocco, Sheena Halili, Coco Martin and the two kids from Mga Mata Ni Anghelita na sina Kristal Reyes and Goin' Bulilit Steven Fermo.

Paano napagsama-sama sa isang pelikula ang mga contract stars ng GMA at ABS?

Ang sagot: talents nila ang bida sa pelikula kaya obligado silang suportahan ang movie na ala- Nine Lives meets Chicken Soup for The Soul ang dating.

Magpi-premiere ang Pi7ong Tagpo on October 1 sa Center Stage ng SM Mall of Asia at tiyak na pupunta rin doon ang mga stars.

Sa laki ng cast ng movie, akala mo ay isang big budgeted mainstream movie ang Pi7ong Tagpo.

* * *
HINDI raw talaga mag-on sina Shaina Magdayao and John Prats.

Hindi galit, pero ini-insist ni Shaina na hindi sila ni John. Kuwento sa amin ni Shaina sa pictorial ng isa sa dalawang festival movie niya this year, ang Regal Films Bahay Kubo, hindi niya alam kung saan nanggaling ang naturang balita. Magkakasama kasi sila nina John, Maja Salvador and Rayver Cruz sa drama segment sa ASAP at may album sila kaya baka raw dito nag-ugat ang kuwento.

Ni hindi nga raw nanliligaw sa kanya si John. Ang pinaka-steady suitor niya pa rin hanggang ngayon ay si Rayver pero inamin din ni Shaina na may iba pa siyang suitors na non-showbiz. Tanong namin sa kanya, bakit hindi pa niya sagutin si Rayver, eh, super bagay naman sila?

Ang sagot ng younger sister ni Vina Morales, maghintay lang daw siya, darating din daw 'yon.

It's a good thing na willing namang maghintay si Rayver.

* * *
FIRST movie ni Harry Laurel ang Ang Lalake sa Parola.

Si Harry raw ngayon ang newest gay sensation. Meaning, siya ang pinakabagong flavor of the month ng mga bading.

Hindi namin alam kung gaano karami ang na-cut sa movie, pero for sure, marami-rami pa rin ang matitira rito. Kasi sa dami ng bold scenes sa movie, baka opening at closing credit na lang ang maipalabas.

Kaya ang gagawin namin, wait na lang namin ang director's cut nito sa DVD. Tiyak don ay walang cut.

Source: Taliba