Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Tuloy ang paggawa ng bold movies

Author: The Philippine Star

Tuwing magbabagong image, tuwing magbabalik ang isang medyo namahinga nang artista dahil sa kung anu-anong kadahilanan, sa kanilang pagbabalik sa pelikula ay kadalasan via a sexy and bold route. Ang pagpapaseksi at pagbo-bold umano sa pelikula ay ang siguradong daan sa pagsikat ng isang aktres at kung tutuusin nga naman parang may katotohanan ang mga sabi-sabi.

Noong araw, sinasabi na si Vilma Santos sa kanyang pagma-mature ay kailangan na rin magbago ng kanyang pananaw sa mga roles na kanyang ginagampanan. Hindi na raw convincing na siya ay magpa-tweetums at magpa-sweet gayong may mga mas challenging roles pang naghihintay sa kanya at tila nagustuhan naman ng mga fans nang siya ay maging simbolo ng isang liberated woman sa screen. Puro kerida at kalaguyo at part of a love triangle ang kanyang labas na siya namang dinumog ng mga fans. Sa Relasyon, Broken Marriage bumongga ang kanyang career at medyo nalagpasan niya ang kanyang tanging karibal na Superstar. Pero hindi nababad ang career ni Vilma sa sexy films dahil gumawa rin siya ng mga pelikulang gaya ng Sister Stella L bilang isang madre–pero liberated na madre na sumasama sa mga welga at demonstrasyon.

Bigla rin umano ang pagbabago ni Charito Solis noon from a sweet young wholesome actress to a mature award-winning star sa mga pelikulang Igorota, Araw-Araw Gabi-Gabi na pawang may mga eksena na siya ay naghubad. Kaya nga lamang ang mga nude scenes nina Vilma at Charito ay hindi kasing garapal at hindi kasing tapang ng mga eksena nina Priscilla Almeda, Ina Raymundo o Rosanna Roces–yung pati kaluluwa nila ay nakikita na sa ilang mga scenes sa kanilang pelikula.

Noong panahon ng liberalization ng MTRCB, nakipagpaligsahan sina Ynez Veneracion, Ana Capri, Ramona Revilla, Rita Magdalena at kung ilan pang mga baguhan na bigla rin nawala sa eksena pagkaraan ng isa o dalawang pelikula. Ilang bold stars nga ba ang nai-launch ng Seiko sa mundo ng showbiz ngayon at mga laos na at nababalitaan na lamang sa paminsan-minsang TV exposure sa kanilang masaklap na sinapit sa buhay tulad halimbawa nina Cherry Madrigal, Lala Montelibano at iba pa. Ang iba naman ay nag-Japayuki na lang para kumita.

Ang pagbo-bold naman ay hindi bago at karamihan sa mga artista ngayon ay hindi na isyu ang pagpapakita ng ilang maseselang bahagi ng katawan–pero naaayon sa istorya at sa takbo ng eksena. Pero ang mga baguhan ay natural lang na bongga ang publicity at promo sa kanilang pagbo-bold dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Halimbawa si Assunta de Rossi ay kamakailan nagreklamo at pinapuputol ang eksena niyang frontal nudity sa pelikula niya sa Seiko na Sisid. Nag-react dito si direk Joey Romero dahil pumayag naman daw kunan si Assunta sa ganoong eksena at alam daw ni direk Joey ang hangganan ng pagbo-bold ngayon dahil isa rin siyang member ng MTRCB.

Masasabing ang mga sumisikat na mga bituing babae sa local scene ay pawang mga payag sa bold scenes tulad nina Joyce Jimenez, Rufa Mae Quinto, Rica Peralejo, Assunta de Rossi, at pati na ang dating taga-TGIS na si Raven Villanueva na kagagaling lamang sa matagal din na pagtira sa Guam pagkatapos makipaghiwalay kay Diego Castro isang batang actor noon na anak nina June Keithley at Angelo Castro. Parang retirado na sa showbiz si Diego dahil nag-asawa na ito at pakakasal na raw sa kanyang girlfriend at may dalawa na nga silang anak. Mylene, walang follow up movie after ‘Gatas’ Si Mylene Dizon na nagpalaki ng kanyang boobs upang maging karapat-dapat sa kanyang role sa pelikulang Gatas, na siya raw local entry sa Oscars Academy Awards sa best foreign film category ay hindi na nasundan pa ng another starring role ang kanyang launching movie bilang sexy star at nagkakasya na lamang siyang maging kontrabida sa ABS-CBN soap opera Nagpa-sexy rin si Angelu de Leon pagkatapos nitong maging isang unwed mother sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. .

Tila nga natatabunan na ang mga dating bold stars gaya nina Rosanna Roces at Joyce Jimenez dahil palaban din ng husto ang mga baguhang sina Raven at Rica. Namimili na raw ng projects sina Rosanna at Joyce at kailangang mga award-winning roles ang kanilang gagawin na meron social relevance. Isa pang mga launching bold movie umano ay ang mortal na kaaway ni Jackie Forster na si Victoria London Balita ay ila-launch ito bilang pambato ng Viva sa bold pero tila nagkaroon ng aberya.

Samantala, ang mga bold stars na sina Ara Mina, Priscilla Almeda at Ina Raymundo ay medyo nawawala sa eksena dahil sa iba’t-ibang pangyayari sa buhay. si Ara ay patuloy pa ring natsitsismis na may relasyon kay Jomari Yllana. Si Priscilla ay buntis at naghihintay ng pagsisilang ng kanyang sanggol sa New York courtesy of his musician boyfriend. Si Ina naman ay kapapanganak lamang sa Toronto pero hindi pa nila balak pakasal ng kanyang Canadian boyfriend. Asahang sa pagbabalik nila sa movies kung sakali, bold pa rin ang kanilang mga roles na gagampanan. Incidentally, ang huling pelikula ni FPJ na Ayos Na Ang Kasunod na ipinalabas last year na kasama si Ara Mina ay pambungad na handog ng television series ng FPJ movies sa linggong ito.

Talagang hindi masawata ang mga sexy at bold movies at kahit na ipinalalagay na mas mahigpit ang mga censors ngayon, pilit pa rin ang mga producers sa paggawa ng bold–hindi nga lamang kasing tapang ng Sutla at Burlesk Queen Ngayon pero may nakakalusot pa ring mga pelikula sina Rosanna, Rica at Assunta. Si Assunta has another project with her sister Alessandra entitled Hubog. Rica has a movie showing with Mark Anthony Fernandez. Seiko, humiram ng aktres sa regal Nagbalik production ang Seiko at may import pa sila na Regal bold star. Nasaan na kaya ang mga alagang bold stars ni Robbie Tan? Si Klaudia Koronel ay nagbalik iskwela at matatagalan siguro bago sumabak muli sa paggawa ng pelikula. Ang mga alaga naman ni Jojo Veloso ay lumalabas pa bilang leading ladies sa iba’t-ibang action stars at independent movie productions. Pero si Ana Capri ay premyado na sa Cinemanila, isang international filmfest bilang best actress. * * * Email: jen08@edsamail. com. ph

Source: The Philippine Star