|
|
| UMAMINAuthor: Vinia Vivar NAGPA-RAFFLE ng dalawang P16,800 si Susan Roces sa preview-cum-presscon ng Patayin sa Sindak si Barbara last Friday. Ipinaliwanag ni Tita Swanie (tawag kay Susan) na ang masuwerte kasing numero ngayong taon ay 168, kaya P16,800 ang amount na napili niyang ipa-raffle at pinanalunan naman nina Veronica Samio at Ronald Carballo. Ang nakaaaliw ay ang introductory remark ng bida ng horror-serye na si Kris Aquino na si Susan ang "Richest Woman in the Country. " Komento tuloy ng isang entertainment editor, "Mas mayaman pa kesa kay Tita Cory (Aquino, mother ni Kris)?" Sa interbyuhan portion, may nagtanong kay Kris kung bakit niya nasabi 'yun at say ng TV host-actress na gumaganap na Barbara sa PSSSB, "eh, totoo naman!" Kuwento pa ni Tetay, bago pa man sila magkatrabaho ni Tita Swanie, may strong bonding na sila dahil pareho ang taping days ng Kapamilya, Deal or No Deal, dati niyang game show, at ng John En Shirley, dati namang sitcom ng veteran actress with Dolphy and Maricel Soriano. "So, every night talaga, nakikikain ako sa kanila. We've really had strong bonding, but now that we've got to work closely together, mas marami talaga akong natutunan sa kanya. "She says na she loves my one-liners because I always make her laugh. Kasi I remind her so much of Mary Grace (anak nina Susan at FPJ). "Tapos, sa akin naman, I tell her so often na 'Alam mo, Tita Susan, you're so much like my mom. ' Nagkasundo talaga kami. And I love her. "Si Nanay Doray (longtime nanny ng pamilya ni Susan), inalam na ang mga paborito kong pagkain and 'yun ang parati nilang dinadala," kuwento ni Kris. Samantala, karay-karay ni Tetay ang nine-month-old baby na si James sa presscon, kaya ang bata ang mas pinagkaguluhan kesa sa ina. Mukhang naiintindihan ni Baby James na artista ang kanyang madir dahil kahit maraming tao sa paligid, hindi siya kinakitaan ng tantrums o pagkairita man lang. Say tuloy ng iba, mana sa ina na hindi takot sa tao, kaya hindi malayong maging artista rin ito paglaki. * * * NAKAUSAP namin si Anne Curtis sa taping ng Love Spell Presents: The Face sa Binondo, Manila, last Thursday at naaliw kami simply because wala pala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kapuwa artista. Gulat na gulat siya nang malamang may anak na si Dennis Trillo gayung ilang buwan nang pinag-uusapan ito sa showbiz. Kaya hindi na kami nagtaka na hindi rin niya lalong alam ang pumutok na balita na buntis na si Jennylyn Mercado. "Oh my God, talaga?" nasambit ni Anne, sabay sabing wala siya talagang time para magbasa or manood ng TV. Anyway, kinumusta na lang namin ang nakaraang New Year niya at sabi ng dalaga, kasama niya ang family niya, including her mom, na dumating mula sa Australia. What's interesting ay nang tanungin namin kung dumating ang rumored boyfriend niyang si Sam Milby, "oo" agad ang sagot niya. So, may aminan na bang mangyayari? "Wala pa. Alam n'yo naman ako, hindi naman ako mapagtagong tao. Kung meron naman, sasabihin ko. Sa ngayon, wala pa talaga. " So, nasaan pa lang sila? "Courtship stage," sa wakas ay pag-amin ni Anne. Pero ayaw na niyang mag-elaborate pa when asked kung paano siya ligawan ng aktor dahil ito na lang daw ang tanungin namin. Ayaw din niyang sabihin kung may chance ang binatang Amboy dahil 'pag nasulat, natural ay alam na ni Sam. Matagal-tagal na ring walang boyfriend si Anne. Her last relationship was with Paolo Araneta at kung kami ang tatanungin, it's about time na magkaroon na ulit Incidentally, sa Jan. 13 na ang airing ng Love Spell Presents: The Face pagkatapos ng ASAP '07. Kasama rin ni Anne rito sina Valerie Concepcion at Geoff Eigenmann. Source: People's Tonight |