|
|
| 'Ulam' ni Valerie, para sa lahat!Author: Jojo Gabinete SINAGOT na ni Valerie Concepcion ang isyu tungkol sa madalas na pagdadala niya ng ulam sa set ng Wowowee pero ito pa rin ang itinanong sa kanya ng mga reporter sa press launch ng Energo. Hindi rin nakaligtas ang nanay ni Valerie sa pag-uusisa ng mga reporter. Tinanong din siya tungkol sa kanyang reaksyon sa ulam issue. Walang nakikitang masama ang ina ng aktres sa kanilang ginagawa dahil para sa lahat naman ang pagkain na ibinabaon nila. Habang nagpapaliwanag ang nanay ni Valerie kay Joe Barrameda, parang nai-imagine namin na masarap siyang magluto dahil iniintriga ang pagdadala nila ng pagkain sa show. Si Valerie ang one and only choice ng Aldrtz Corporation na endorser ng Energo dahil sa kanyang bubbly at always on the go personality. Araw-araw ang hosting stint ni Valerie kaya malaking tulong sa kanya ang pag-inom ng Energo para hindi siya mapagod. Source: Abante |