Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Unawaan nila ni Angel, inamin ni Luis

MARAMING plus pala ang inaasahang mangyayari sa ikalawang season ng PBB Teen Edition kaya ito naging PBB Teen Edition Plus. Isa na nga rito ang pinakabagong host na si Luis Manzano, na makakasama ang resident host na si Toni Gonzaga, si Mariel Rodrigu...

 

Unawaan nila ni Angel, inamin ni Luis

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

MARAMING plus pala ang inaasahang mangyayari sa ikalawang season ng PBB Teen Edition kaya ito naging PBB Teen Edition Plus.

Isa na nga rito ang pinakabagong host na si Luis Manzano, na makakasama ang resident host na si Toni Gonzaga, si Mariel Rodriguez ng PBB Teen Edition Plus Uber at Bianca Gonzales naman ng PBBTE Plus Update.

Magsisimula na ang PBBTE Plus sa March 23, papatak sa Pasko ng Pagkabuhay, at may primer this Sunday, March 16, 9:45 p. m. , sa ABS-CBN.

Ito marahil ang ginawa ni Luis. Hindi lang niya pinangarap ang isang Angel Locsin, nakuha pa niya ang big dream sa pag-amin sa amin sa preskon ng PBBTE Plus hosts na meron na silang "understanding" ni Angel.

"Ah, Luis. .. halimbawa lang. .. halimbawa lang, ha, kung si Angel ay may lahing taong lobo, mahalin mo pa kaya siya?" hirit na tanong ng yours truly.

"I don't think naman it matters kung anong lahi, kung anong breed niya, kung poodle ba (laughs) or lobo siya. I don't think it really matters. Basta 'yun lang sa aming dalawa. .. may understanding kami. "

"Kahit manananggal pa siya?" hirit uli ng yours truly.

"Kahit tikbalang pa, hahaha!" salo agad ng binata nina Gov. Vi at chairman Edu.

Ganu'n? Well, if that's not true love, then tell us what it is, tsuk!

* * *

HINDI kasali si Annabelle Rama sa cast ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, pero present ang biyuti niya to give moral support sa alagang si JC de Vera, isa sa lead stars ng pinakabagong teledrama sa GMA-7 Telebabad.

Tinanong itech ng yours truly kung nasabi ba niya kay Lolit Solis ang mga katagang "babangon ako't dudurugin kita?"

"Hahaha! Ayoko na ngang mag-comment, Mercy, kasi tapos na ang gulo. Baka sabihin naman nila, itong Annabelle Rama na 'to, tapos na nga, eh. Tapos na kami, okay? Nag-promise na ako sa The Buzz, hindi na ako magku-comment against Lolit," masaya nang sabi nito.

"Paano kung hindi mag-public apology si Lolit gaya ng hinihingi mo?" hirit uli ng yours truly.

"'Yon lang. Hindi ko siya babatiin. Hangga't hindi siya nagpa-pubic apology, hindi ko na siya babatiin habambuhay. 'Pag nag-public apology siya, babatiin ko siya. Ako pa ang unang babati sa kanya," pagtatapos ni Annabelle.

* * *

DAHIL malakas talaga nationwide ang rating ng Wheel of Fortune ni Kris Aquino, we suggest na gawing celebrity players itong sina Annabelle at Lolit one of these days.

Tingnan natin kung kaninong kapalaran ang mas iikot for the better, with or without public apology. Mai-segue lang daw talaga, o! Hahaha!

Naku, ilang tulog na lang at Holy Week na. Harinawa'y sumagi sa isipan nina Lolit at Annabelle ang walang kamatayang linyang. .. "Kung ang Diyos ay marunong magpatawad (unconditional, ha!), ang tao pa kaya?"

'Yon lang and tsuk!

Source: People's Tonight