|
|
| (Updated) John "Sweet" Lapus irritated by invented "rumor" about him and friend Kris Aquino![]() Author: Rose Garcia Kahapon, November 13, ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula sa isang unregistered cellphone number. Ang nilalaman ng text message ay: "Inaway ni Sweet [John Lapus] ang Umagang Kay Ganda dahil nag-report about him and Kris [Aquino]. Magba-backout siya sa spoof show." Ang Umagang Kay Ganda ay ang daily morning show ng ABS-CBN at ang tinutukoy namang spoof show ay Da Spooftacular Showdown. Gaganapin ito simula mamayang gabi, November 14, at sa mga susunod na weekends sa Music Museum. Kasama rin sa Spooftacular sina Jon Santos at Candy Pangilinan. Ipinadala ng PEP kay Sweet ang natanggap naming text message upang kumpirmahin ang nakasaad dito. Tumawag kaagad si Sweet sa amin para tanungin kung sino ang nagpadala ng message. Sinabi namin kay Sweet na hindi na nag-reply ang nagpadala ng text message nang tanungin namin kung sino ito. Ayon kay Sweet, Wednesday night, November 12, pa lang ay may ideya na siya na may ganoon ngang tsismis na kumakalat. Ang impression talaga ng mga nakakaalam ay galit daw sa kanya ang matalik na kaibigan na si Kris Aquino. Nang makausap ng PEP si Sweet, ito na mismo ang nagkuwento kung ano ang totoong nangyari at pinagmulan ng naturang isyu. "Ang Umagang Kayganda, may bago raw silang segment, ang 'Chismis o Hindi,'" simula ni Sweet. "Tinanong si Kris sa segment na yun, 'Kung totoong galit ka ba kay Sweet?' Ang sabi ni Kris, 'Hindi! Hindi totoo dahil, in fact, ako pa nga ang nagbibigay kay Sweet ng mga damit ko talaga sa pag-i-impersonate niya sa akin.' "Naiintindihan ko yung concept ng bago nilang segment. Pero ang problema, walang ganoong chismis, 'te! Nag-imbento ng chismis para lang may mailagay sa segment. Doon ako nabubuwiset! Kung talk show pa siguro 'yan, puwede pa. Pero, 'te, News and Current Affairs, tapos may ganoon? May imbentong chismis, hindi maganda!" paghihimutok ni Sweet.
Hindi raw napanood ni Sweet nang iere ang naturang interview ni Kris sa Umagang Kay Ganda. Pero naging aware daw siya na may isyu na pala dahil nang magpunta siya sa isang bar noong Miyerkules, mismong mga waiter pa raw ang nagtatanong sa kanya at nagsasabing magkagalit daw pala sila ni Kris. Bukod pa raw rito ang ibang mga taong nagtatanong sa kanya. Nakausap daw ni Sweet si Rica Peralejo, ang pumalit kay Ogie Diaz sa pagde-deliver ng showbiz news sa Umagang Kay Ganda. Maging si Rica raw ay tinanong si Sweet tungkol dito. Kay Rica nalaman ni Sweet na segment ni Obette Serrano ang "Chismis O Hindi." Nag-request kasi si Sweet kung puwede niyang makausap ang sinuman sa production na in-charge sa isyung yun. Nakausap din daw ni Sweet si Obette. Inamin nito na siya nga ang nag-interview kay Kris dahil sa bago nilang segment. Ayon kay Obette, maganda naman daw ang sagot ni Kris, kung saan itinanggi nito na may isyu sa pagitan nila ni Sweet. Pero ayon kay Sweet, "Maganda ang point nila sa bagong segment, pero ang hindi maganda, yung imbento ang tsismis! Si Obette Serrano na segment producer or reporter nila, nag-iimbento ng chismis, yun ang hindi maganda. Sa buwiset ko, binagsakan ko siya ng phone!" Katuwiran niya, "'Te, two years na ako sa GMA-7... Sina Nelson Canlas, Lhar Santiago, at kahit yung baguhang si Aubrey Carampel, hindi nag-iimbento ng chismis. So, doon ako nabubuwiset talaga na nag-iimbento ng chismis. "Naiintindihan ko ang concept, chismis o hindi, siguro hindi alam ni Obette na kaibigan ko si Kris. Matagal na ang friendship namin. Mahal na mahal ko ang mga anak niya. Mahal ko si Kris kaya yung friendship namin, iniingatan ko 'yan. Pagkatapos, mag-iimbento ka lang ng chismis para may mailagay ka sa segment mo? Nakakabuwiset, di ba? "Ten years ko nang ginagaya si Kris Aquino," diin ni Sweet. "Yung eight years doon, nasa ABS-CBN pa ako, harap-harapan ginagaya ko siya sa The Buzz. Yung mga accessories ko, minsan galing pa kay Kris para mas gayang-gaya ko siya. Natutuwa siya kapag ini-impersonate ko siya, at never ko namang gagayahin siya na magiging masama si Kris. "Kung showbiz oriented pa siguro yun, pagtatawanan ko lang. Pero, 'te, News and Current Affairs! Tinanggal nila si Ogie Diaz diyan na, in fairness, hindi nag-iimbento ng chismis. Ang hirap kasi, nang ipalabas nila, yung mga nagtatanong sa akin, hindi naman nila na-get yung sagot ni Kris. Basta ang tinitingnan lang nila, yung chismis na nagagalit si Kris dahil ginagaya ko siya," halatang imbiyerna na sabi ni Sweet. Nakausap na rin daw ni Sweet ang mismong executive producer ng Umagang Kay Ganda. Ipinaliwanag na raw sa kanya na bago nga lang itong segment sa programa. Tinanong din daw si Sweet kung ano ang puwede nilang gawin. Pero sagot niya, "Hindi ko pa rin alam. Today ko lang nalaman, hindi ko pa alam ang magnitude ng imbentong chismis na yun." THE SHOW MUST GO ON. Dahil kasama sa text message na magba-backout din daw siya sa Da Spooftacular Showdown, pinalinaw ng PEP kay Sweet kung totoo nga ba na hindi na siya kasamang mapapanood dito. Ayon kay Sweet, "Actually, ang totoo diyan, sumagi talaga sa isip ko na umalis na lang, huwag nang sumama. Nabuwiset ako, ABS-CBN ang producer ng show na Spooftacular Showdown, ABS ang Umagang Kay Ganda, at taga-ABS si Obette. So, bakit hindi nila natse-check? Hindi ba dapat kapag may ganyang lalabas, inaalam din? "Tinanong ko ang ASAP Live, ang producer [ng show]. Ang sabi nila, hindi nila alam. True enough, wala silang alam na ganoong isyu," lahad ni Sweet. Sa huli, nakapagdesisyon si Sweet na huwag nang mag-backout sa Da Spooftacular Showdown. "Gusto ko yung show, masaya ako sa show, sa mga kasama ko. Naisip ko, pinaghirapan ko rin ang rehearsal niyan. At saka bakit ako magre-resign, e, wala naman akong ginagawang masama, di ba? Talagang inis lang ako sa imbentong chismis," ani Sweet. THE OTHER SIDE. Pagkatapos makausap ng PEP si Sweet, hiningan din namin ng pahayag ang mismong reporter na sinasabi ni Sweet na diumano'y nag-imbento ng chismis lang sa kanya at kay Kris--si Obette. "I still have to talk about this to my producer. I think nasa Corporate na naman ang tungkol dito, so I still have to wait for them," mahinahong sabi ni Obette. Ipinarating namin kay Obette ang naging pahayag at saloobin ni Sweet sa pangyayari. Isa na rito ay ang naging impression kay Sweet na inimbento lang daw niya ang balita. Ano ang masasabi niya rito? "It was actually a reaction, doon nga sa pang-i-spoof niyang muli kay Kris. So, I asked Kris kung affected ba siya sa pang-i-spoof muli ni John sa kanya. Maganda naman ang sagot ni Kris at sabi nga niya, 'Affected? No, chismis lang yun, blah, blah,'" saad ni Obette. Hanggang doon lang muna raw ang maibibigay na pahayag ni Obette dahil nasa Corporate Communications na raw ang insidente. Kailangan din daw muna niya munang makausap ang producer niya. LATEST UPDATE. Bandang alas singko y media ng hapon, nakatanggap ang PEP ng text message mula kay Sweet. Aniya, "The EP [executive producer] of UKG [Umagang Kay Ganda], Ms. Cheryl Favila,just called me and apologized to me. She said Obet will be reprimanded. I wholeheartedly accepted her apology. She also promised that no incident will happen again. I hope that this will serve as a lesson to all showbiz reporters. Thank you." Source: Philippine Entertainment Portal |