Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

'User-friendly' issue, wa epek kay Luis

DIRETSO siyang tao, pag-amin ni Luis Manzano. Honest, kumbaga. Kaya nga inamin niyang matagal na niyang crush si Angel Locsin. Nagkataon lamang na nabibilang sila ngayon sa iisang network. Wala siyang pakialam kung inaakusahan man siyang “user-fri...

 

'User-friendly' issue, wa epek kay Luis

Column: Malay!
Author: Roland Lerum

DIRETSO siyang tao, pag-amin ni Luis Manzano. Honest, kumbaga.

Kaya nga inamin niyang matagal na niyang crush si Angel Locsin.

Nagkataon lamang na nabibilang sila ngayon sa iisang network.

Wala siyang pakialam kung inaakusahan man siyang “user-friendly” o nakikisakay sa kasikatan ng alaga ni Becky Aguila.

Eh, sa talagang matagal na nga niyang crush ang dalaga. Isa kami sa naniniwala roon.

What's wrong with being honest about one's feelings, aber?

Nakarating na kay Luis ang akusasyon na nakikisakay kuno siya sa popularity ni Angel (para bang hindi popular ang anak nina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano).

Ang reaksyon niya? “Why should I react? I'm not answerable to anybody as long as my feelings are concerned. I have nothing to explain. Basta't nasabi ko ang damdamin ko kay Angel, 'yun na 'yon,” paliwanag ng binata.

At least, hindi katulad si Luis nina Luis Alandy at Marvin Agustin na sa kagustuhang huwag mawala sa news ay sey na lang nang sey na mahal ko si ganito at si ganu'n.

* * *

PAREHONG ambivalent ang mga pahayag nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa kapag tinatanong sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.

Inamin ni Diet, muli niyang sinusuyo si Kristine at kung magkakabalikan nga sila'y balak niya itong pakasalan muli.

Lumabas na ang tungkol kay Rajiv, ang bombaying sinasabing bagong pag-ibig ngayon ng aktres.

Pero sa isang interbyu, sinabi ni Kristine na wala siyang dine-date at wala siyang boyfriend ngayon.

Sabi naman ni Diet, ipinakilala na sa kanya si Rajiv at hindi man tuwirang inamin, parang wala nang kahihinatnan ang muli niyang panunuyo sa aktres.

Napapagod na raw siya kaya wala muna sa plano ang pag-iisip tungkol sa panunuyo and ultimately, muling pagpapakasal kay Kristine.

Basta pinaninindigan ni Kristine na wala siyang boyfriend.

Paglaruan ba tayong lahat?

Sa puntong ito, malabo nang mabuong muli ang pag-iibigan nina Diet at Kristine.

Period na period na 'yan.

* * *

KAAALIS lang ng bansa ni Pierre Andre, ang Malaysian actor from the movie
Don't Look Back. He's a good looking guy in person at malakas ang sex appeal.

Ang kauna-unahan niyang naging girlfriend ay isang Pinay, who is a beauty inside-out. Meaning, maganda ang panlabas na anyo at panloob na ugali nito.

Ang Don't Look Back, produced by David Teo and directed by Ahmad Idham Ahmad Nadzri, sounds like Huwag Kang Lilingon, 'di ba?

Malayo po ang istorya nito sa Pinoy na pelikula. What's funny is may mga charcter sa DLB na tila halintulad at tagpo na hinugot ng Ouija ni Direk Topel Lee.

Hindi namin sasabihin kung anong mga eksena ang tipong rehashed lang.

Comment nga ng katabi naming movie writer-reviewer: “So, ito pala ang original? Sino ang nanggaya kanino? Hahaha. '

Source: People's Tonight