|
|
| VALERIE, DUDUGUIN KAY WILL Marian, ayaw sumama kay Dingdong![]() Author: Abante TANGGAP ni Valerie Concepcion ang pagkawala niya sa gag show na Banana Split. “Nagkaroon ng negotiation between my ma- nager and Banana Split about my TF, hindi sila nagkasundo, so, 'yun...” sabi ni Valerie. So, talent fee pala ang isyu sa pagkakatanggal sa kanya? “Budget talaga... kasi, ano, 'di ba, 'yung point, I don't know, ha... pero, 'yung point ng manager ko is, 'di ba nga, habang tumatagal ang show, naka-maintain ang TF ko or tumataas, pero eto kasi, gusto nilang babaan. So, 'yung manager ko, si Tita Becky (Aguila), hindi na lang pumayag.” Sa kanya ba, okey lang na bumaba ang TF niya? “Kung ano ang desis- yon ng manager ko, siya naman kasi ang nagha-handle ng career ko, so, she knows what's best for my career... So, susundin ko lang siya.” Sa kaso ni Valerie, nang may magsarang pinto, may nagbukas na bintana dahil isa siya sa ipi-feature sa Precious Hearts Romances presents Bud Brothers na nagkaroon na ng story conference. “Yes! Parang nang may magsarang pinto, may nagbukas talaga! So, happy naman ako!” Mas mataas na ang TF niya sa Precious Hearts? “Hala! Wala namang ganoon! Ha ha ha! Basta,” sabay senyas sa kanyang bibig na tipong her lips are sealed sa question. Nacha-challenge si Valerie sa Bud Brothers dahil matagal na siyang hindi nagda-drama. Kumusta ang ka-partner niya ritong si Will Devaughn? “Si Will? Tingin ko, magdurugo ang ilong ko, nose bleed ito! Ha ha ha!” sey ni Valerie dahil inglisero at hindi pa magaling mag-Tagalog ang ka-partner. “Pero hindi, okey naman si Will, so, tingin ko, magiging masaya ang taping namin.” Sey pa ni Valerie, nagkaroon sila ng screen test at para raw si Will at siya ang ipagpapareha ng ABS-CBN. Siguro raw ay nakitaan sila ng malakas na chemistry. “Kasi, di ba, maraming ipagpa-partner, pero, kami 'yung nag-end-up, so, si guro, may nakita sila. “Of all the guys na ipinartner sa akin, siya 'yung naging final. So, ang ine-expect ko lang, sana, kiligin 'yung mga tao sa amin.” Naka-plano na si Dingdong Dantes kunsaan siya pupunta ngayong Holy Week. Bonding time with family ang gagawin niya dahil mag-i-stay sila sa kanilang fami-ly farm sa Batangas. Aniya, “Iyung mga ganitong pagkaka-taon lang din kasi 'yung makakasama mo nang matagal-tagal ang family mo. At the same time, quality time with them, so, iga-grab mo ng 'yung opportunity na makasama sila.” Noong una naming makausap si Dingdong, ang type niya sanang destinasyon ay beach. Maraming beaches sa Batangas, malamang ay pupunta na lang siya roon from their farm. Itinanggi ni Dingdong na may tampuhan sila ng ka-loveteam na si Marian Rivera dahil sa naging sagot nito nang tanungin ng press kung hindi ba sasama kay Dingdong kung saan man pupunta ang huli this Holy Week. Ang sagot kasi ni Marian, “Ayoko, sa Cavite ako uuwi,” na parang may himig tampo. Sey ni Dong, “Ganoon ba? Hindi, wala... walang kaming away or tampuhan. Kami pa?” natatawang sabi niya. “Totoo 'yung sinabi ni Marian na ayaw niyang sumama sa akin this Holy Week. Gusto niya talagang umuwi ng Cavite dahil ngayon na lang din naman siya makakauwi at makakasama ng pamilya niya. “Tama lang din 'yun.” May plano si Dingdong ngayong Holy Week. Mukhang gagawa pa rin siya ng paraan para magkita at magkasama sila ni Marian. “Well, from Batangas, pwede ko naman siyang puntahan sa bahay nila sa Cavite. Siguro, ganoon 'yung gagawin ko, pupuntahan ko siya sa bahay nila sa Cavite. “At kung may time siya at gusto niyang mag-spend ng ilang oras sa farm namin sa Batangas, pwede ko siyang isama.” Source: Abante |