|
|
| Val, 'di threatened kay Cristine!Author: Vinia Vivar Super nag-enjoy pala si Judy Ann Santos sa shooting ng Ploning sa Cuyo at iba pang isla ng Palawan dahil bukod sa napakaganda ng lugar, sobrang kalmado at napakabait pa ng mga tao. 'Yun daw 'yung lugar na kahit mag-iwan ka ng cellphone, hindi mawawala. Ganu'n daw kababait ang mga tao, gaya rin daw ng mga isla nito, na virgin pa kung tawagin. Matagal ding namalagi si Juday at ang buong produksyon sa Cuyo dahil halos ang kabuuan ng pelikula ay doon kinunan. Kaya naman kahit paano, naging pamilyar sila sa buhay ng mga tao roon. Very rural daw ang pamumuhay sa Cuyo, walang Internet, ang TV ay hanggang 2 a. m. lang, at ang mga tindahan ay sarado na by 6 p. m. Pero kahit ganu'n, halata raw na masayang namumuhay ang mga tao roon. Siyempre, isa pang rason kung bakit na-enjoy ni Juday ang shooting at lugar ay dahil kasama at katabi niya ang taong pinakamamahal niya, si Ryan Agoncillo. Dahil dito, mas naipakita raw ng aktres ang kanyang creativity na mas lalong nakaganda para sa pelikula. Kung mapapanood nga raw ang Ploning, kakaiba ito sa lahat ng ginawa ni Juday. Ito raw ang tipo ng movie na walang iyakan pero nakaiiyak ang mga eksena. Samantala, nami-miss na si Juday ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon. After Ysabella, wala pang bagong seryeng napapanood sa aktres sa ABS-CBN although she's doing one now, ang Nurse-serye with Derek Ramsey, pero medyo matatagalan pa yata bago maisaere. * * * Mukhang masayang-masaya talaga si Angelica Panganiban sa piling ng boyfriend na si Derek, dahil kahit naiintriga nang nagmumukha siyang alalay ng aktor sa kababantay, deadma lang ang dalaga. In fact, sa set ng bagong serye ni Derek with Juday a few days ago, nakita si Angelica na masayang nakabantay sa boyfriend. Sweet na sweet nga raw ang dalawa at panay ang laro kapag walang eksena ang aktor. Noon pa'y ipinagtanggol na ni Derek ang girlfriend sa isyung ito. Aniya, wala namang masama kung dumalaw si Angelica sa kanyang taping o shooting dahil ito lang ang time na puwede silang mag-spend together since pareho silang may ginagawa. Siya rin naman daw, kapag may free time ay dumadalaw sa trabaho ng GF. * * * Nagtataka ang manager ni Valerie Concepcion na si Becky Aguila sa isyung matatanggal ang kanyang talent bilang co-host ng Wowowee at ipapalit si Cristine Reyes. As far as Becky knows, hanggang August pa ang kontrata ni Val sa nasabing noontime show, kaya kung sakaling tatanggalin ang young actress, medyo matatagalan pa. Pero ready naman daw sila kung sakaling dumating ang time na Val would have to say goodbye sa noontime show dahil alam nilang may ibang ibibigay para sa young actress. Maging si Val, nagpahayag na rin na hindi naman daw siya nate-threaten kung totoo ngang papasok si Cristine dahil mas masaya nga raw kung marami sila. Tungkol sa sinasabing matsutsugi siya, so far, wala pa naman daw sinasabi ang management sa kanya at kung sakali naman daw na totoo, tatanggapin niya ito nang maluwag sa dibdib dahil naniniwala siyang may iba pang darating na oportunidad sa kanya. Samantala, Valerie is having a show on April 11 with Allan K. , Jennylyn Mercado and Joross Gamboa, The Big Show with a Big Nose, sa Klownz Quezon Ave. Source: People's Tonight |