Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Valentine babies ng ABS-CBN Star Magic

ALWYN UYTINGCO SI Alwyn Uytingco ay nagdiwang ng kanyang 20th birthday nitong February 11 kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Isa sa birthday wishes ni Alwyn ay makagawa ulit ng teleserye. Sa murang edad, pinatu-nayan na niya ang galing sa pa...

 

Valentine babies ng ABS-CBN Star Magic

Author: People's Taliba

ALWYN UYTINGCO

SI Alwyn Uytingco ay nagdiwang ng kanyang 20th birthday nitong February 11 kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Isa sa birthday wishes ni Alwyn ay makagawa ulit ng teleserye.

Sa murang edad, pinatu-nayan na niya ang galing sa pag-arte. Matatandaang nag- umpisa si Alwyn bilang isang child actor.

Napanood sa ilang Maa-laala Mo Kaya episodes. Kamakailan ay ginampanan niya ang karakter ng batang Albert Martinez sa Regine Velasquez episode noong Bi-yernes.

Huling soap opera ni Alwyn ang Flordeluna, pero madalas naman siyang abala sa ABS-CBN specials. Regular Siyang kabilang sa ASAP 08 Full Circle segment kung saan kasama ang mga pamba-to sa sayawan ng Star Magic. Abala rin siya ngayon sa pag-hahanda para sa concert ng kanyang grupong Boyz. Com sa March 1 sa Zirkoh Greenhills.

RAPHAEL MARTINEZ

PRIORITY ni Raphael Martinez ngayon ang kanyang pag-aaral sa ABS-CBN Distance Learning Center, pero aminado siya na miss na niya ang showbiz.

Kung sakali na may du-mating na magandang pro-ject, siguradong tatanggapin niya ito. Matagal na rin nang huling mapanood si RJ sa Sa Piling Mo kung saan ginam-panan niya ang papel bilang kapatid ni Piolo Pascual.

Hindi rin naman pahuhuli si RJ sa sayawan dahil suki rin siya ng ABS-CBN Specials at ASAP. Focus si RJ sa kan-yang studies habang naghihintay ng susunod na project. Eighteen years old na siya last February 13.

ROXANNE GUINOO

SA apat na taon sa showbiz, patuloy pa rin ang pagnining-ning ng mga bituin ni Roxanne Guinoo. Matatandaang nag-umpisa bilang finalist ng isang reality show si Roxanne at ngayon nga'y isa na sa mga hinahangaang aktres.

Nag-pose si Roxanne pa-ra sa isang men's magazine at billboard na siyang humirang sa kanya bilang isa sa mga pi-napantasya ng bayan. Biggest break para kay Roxanne ay ang sinersyereng Natutulog ba ang Diyos? kung saan siya ang pangunahing bida.

Hindi rin siya nagpahuli sa hosting job dahil naging re-gular host siya ng At Home Ka Dito at Wowowee. Endorser ng Get Laud si Roxanne at napanood natin bilang leading lady ni Jake Cuenca sa Palos.

Abala siya ngayon sa shooting ng Susan Roces classic na Florinda kung sa-an kasama niya si Maricel So-riano. May nakaline-up din na sitcom at isa pang soap opera kung saan makakasama ni Roxanne ang kanyang idol na si Claudine Barretto.

Twenty years old na siya last Valentine's Day.

AJ PEREZ

UNANG pelikula ni AJ Perez ang Kasal Kasali Kasalo ng Star Cinema. Sobrang happy siya nang mapabilang sa blockbuster movie dahil nakatrabaho niya ang hinaha-ngaan niyang mga artista.

Masuwerte rin siya dahil naging part siya ng magandang project na ito na nagkaroon pa ng sequel titled Sakal Sakali Saklolo last year.

Isa sa mga matinee idol si AJ na kabilang sa cast ng ba-gong youth oriented show na Astigs with Enchong Dee, Chris Gutierrez, Angelo Patrimonio at Dino Imperial.

Bukod sa pagiging isang celebrity, consistent honor student din si AJ at aktib sa kanyang school bilang atleta. Binibigyan ng prioridad ni AJ ang kanyang schooling kahit busy siya sa kanyang showbiz commitments. Fifteen years old na si AJ nitong February 17.
EMPRESS SCHUCK

ISA sa homegrown talents ng Star Magic at dating gu-manap na anak nina Maricel Soriano at Cesar Montano in Bida si Mister, Bida si Misis si Empress Schuck.

Noon pa man ay pinatu-nayan na niya ang galing sa pag-arte kaya naman suki na siyang ng ilan sa mga hindi malilimutang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Napansin din ang kanyang magaling na pagganap sa pelikulang Resiklo na ka-sali sa 2007 MMFF.

Patok din sa fans ang loveteam niya with Dino Imperial sa Abt Ur Luv at En-chong Dee sa Lastikman. Bu-sy ngayon si Empress sa workshop para sa isang Lovespell episode.

Magaling na dancer din si Empress kaya naman hindi siya pahuhuli sa mga Full Cir-cle production numbers sa ASAP 08. Ang latest nga ay sa birthday celebration ka-sama ang iba pang Kapamil-ya sa Star Magic na nagdiwang din ng kaarawan sa buwan ng Pebrtero.

Second year na si Empress sa ABS-CBN Distance Learning Center. Fifteen years old na siya last Feb. 19.

MEGAN YOUNG

SUKI ng ilang TV shows si Megan Young bago pa siya naging Kapamilya ng Star Magic. Masaya siya sa takbo ng kanyang career ngayon kaya naman hindi siya nag-sisisi sa kanyang paglipat sa ABS-CBN from GMA-7.

Ang half-American, half-Pinay na si Megan ay mapa-lad na nabigyan ng mga pro-yekto sa Dos tulad ng Kokey at Abt Ur Luv. Hindi maka-lilimutan ni Megan ang unang sabak niya sa bakuran ng Dos. Ipinareha siya kay Pio-lo Pascual sa Star Magic anniversary sa ASAP at nasundan ito nang siya rin ang napiling leading lady para sa music video ng singer-actor.

Magiging part ng Astigs cast si Megan kung saan ipa-pareha sa kanya si Enchong Dee. 18th birthday ni Megan nitong Feb. 27.

Source: Taliba