|
|
| Valentine's Day date ni Ogie sa ibang babae 'di natuloy sa pagsulpot ni RegineAuthor: Noel Asiñas AYAW talagang magka-hiwalay nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez . Kung nasaan si Regine, naroroon din si Ogie, vice-versa. Kahit malayo ang Valentine's Day concert ni Ogie sa Iloilo International Convention Center ay pinilit talaga niyang pumunta sa Iloilo City kung saan mayroon namang commitment si Regine. So, doon na sila nag-Valentine date. Pero, totoo naman kaya ang nabalitaan namin na kaya sinundan ni Regine si Ogie sa Iloilo City dahil 'naamoy' ng Asia's Songbird na may ibang babaing makaka-date doon sa Valentine's Day si Ogie? * * * NAKAIINTRIGANG panoorin ang portion ng Ba-lakubak sa Nuts Entertainment dahil umupo sa hot seat si Alfie Lorenzo. Tulad ni Lolit Solis si Alfie na hindi marunong magpreno ng pagbubulgar ng kung anu-ano. Sabi sa amin ng staff ng Nuts, nang tinanong si Alfie kung sinu-sino ang confirmed bading sa showbiz, naibulalas niya ang pa-ngalan ng mga ito. * * * IHAHATID ng Kay Susan Tayo (KST) ngayong Linggo ang mga payak na usaping nangangailangan ng agarang atensyon, ngunit madalas makaligtaan. Nakahain ang mga kuwentong iinog sa: Salon pa-ra sa mga bata, Dating Course 101, at Attention-De-ficit Hyperactivity Disorder (ADHD). Sakaling makasali ang mga batang dalaginding sa mga party at school play, hindi na dapat problemahin ang kanilang make-up. Sasamahan ni Ate Say Alonso ang mga manonood sa pagbisita sa kiddie salons -- Salon by Barbie at Club Princess. Matatagpuan dito ang beauty experts at child-friendly cosmetics na talagang makakapagpaganda sa mga batang babae. Tatalakayin din ng prog-rama ni Susan Enriquez ang mga dapat at 'di dapat gawin pagdating sa ligawan. Ang talakayang ito ay para sa mga binata at dalaga na may phobia pa sa pakikipag-date. At kung parang kiti-kiti, 'di mapalagay sa isang tabi, at maiksi ang attention span ng mga bata, malamang na may sintomas sila ng ADHD. Pakinggan mula sa mga eksperto ang paliwanag sa usaping ito. Kalimutan muna ang problema. Abangan ang programang may agarang solusyon, Kay Susan Tayo Linggo, alas-10:30 ng uma-ga sa GMA-7. * * * BONGGA at dinaluhan ng libu-libong supporters ang 2008 Mister and Miss JRU pageant night (Feb. 4) ng taunang beauty and talent search ng Jose Rizal University sa Shaw boulevard, Mandaluyong City na ginawa mismo sa cuad rangle ng school. Itinanghal na winners sina John Michael Reyes at Jan Alexis Medel bilang Mister and Miss JRU 2008, respectively. Si Jan Alexis ay isang 3rd year nursing student ng JRU. Sa simula pa lang ng pageant ay favorite na siya ng crowd. Si Jan din ang nag-uwi ng halos lahat ng special awards. Gustong pasukin ni Jan ang showbiz. At puwede naman siya dahil magaling siyang kumanta at sumayaw. Ayon sa event organi-zer ng pageant na si Carlito Cernal, ang president ng Manila Talent Arts and Entertainment Productions (M-TAEProductions), lahat ng nanalong contestants ay kanyang ipabi-VTR para sa possible commercial assignment sa isang noted advertising firm. Ang runner-ups ay si-na Christopher Figueroa at Chessa Pineda (1st), John Paul Swing at Carmela Villanueva (2nd). Nagpapasalamat si Carlito sa supporters ng pageant na ang major sponsor ay Unilever Philippines. Ang premiere sponsors ay Zagu Foods Corp. , New Placenta by Psalmstre, Mayor Benhur Abalos. Minor sponsors naman ang Unilab, Universal Ro-bina Corp, Aeonic Seiche Wifi, Secretaty Leandro Mendoza, Caliraya Recreational Center, San Miguel Corp. , Splash Manufactu-ring Corp. , Uk Derm Pharma, VS&F Classic Food International, F. Salos Body and Spa, Cong. Boyet Gonzales, Coca-Cola Bottlers, One Pharma, Sound Level and mall partners St. Francis Square, Star Mall Edsa at Robinsons Metro East. * * * ANG pinakabagong Mangaserye ng GMA Network na Devil Beside Me ay mapapanood na simula Feb. 18, Lunes hanggang Biyer-nes alas-4:45 hanggang alas-5:15 ng hapon. Ang sikat at highly-rated Taiwanese Drama na ito ay nagtatampok ng Asian heartthrobs na sina Mike He at Rainie Yang sa mga papel na siguradong mag-papaibig at kukurot sa damdamin ng Asian telenovela fans. Ang Devil Beside Me ay istorya ni Queenie (Rai-nie Yang), dalagang naglakas-loob magsabi ng kanyang nararamdaman sa binatang nagugustuhan niya. Magtatapat si Queenie sa pamamagitan ng isang sulat o love letter, ngunit 'di siya pinansin ng binata nang iniaabot na niya ang kanyang sulat. Nagkataon namang isa pang binata ang nasa harapan niya, ang basagulero at itinuturing na 'devil' sa kanilang paaralan, si Bryan (Mike He). Ang naturingang 'devil' ay malimit nakukuha ang anumang gustuhin ni-ya sa paaralan. At Sa pagkakataong ito, ang 'makukuha' niya ay ang kanyang napupu-suan sa kampus na si Quee-nie. Ano ang magiging consequences ng kanilang magiging 'relasyon'? Abangan ang nakatutuwang Mangaseryeng ito. Source: Taliba |