|
|
| Valerie Concepcion, RR Enriquez ayaw nang pag-usapan si CristineAuthor: Chan-Chan Torres HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang di-umano'y pagkakaroon ng gap nina RR Enriquez at Valerie Concepcion. Ayaw naming maniwala. Kapag nakikita namin sila sa studio ng Wowowee, madalas ay nagti-chikahan naman sila, kaya for us ay imposible ang intrigang mayroon silang gap. Kung ating matatandaan, nagkaroon ng isyu sa pagitan nina RR, Cristine Reyes at Pokwang ilang linggo na ang na-kararaan. Nagsimula ang iri-ngan ng tatlo sa sitcom nilang Banana Split, hanggang nagka-gap sila at nauwi pa sa pag-alis ni Cristine sa naturang sitcom. At lumabas ang balitang si Cristine ang diumano'y kinakampihan ni Valerie kung kaya na-apektuhan daw ang sama-han nila ni RR. "Ay naku, wala kaming away o tampuhan. Nag-hang-out pa kami, nanood ng basketball," sabi ni RR. Muli ay nilinaw ni RR na wala silang gap ni Val at napakababaw naman daw kung maaapektuhan ang friendship nila dahil lang sa away nila ni Cristine. Dagdag pa ni RR, hindi na lang nila pinag-uusapan ni Valerie si Cristine bilang respeto na lang umano kay Val dahil alam ni RR na close nga siya sa kinaiinisang aktres. Si Valerie naman ay nakikinig lang from a distance. Napapangiti na lang siya sa sinasabi ni RR. Tinanong namin ulit si RR kung kahit ba noong height ng isyu nila ni Cristine ay never silang nagkaroon ng ilangan factor ni Val. "Never. Alam ni Valerie na may gap kami ni Cristine at alam ko rin na kaibigan niya si Cristine. Kami ni Val, wala kaming gap or something," paglilinaw pa ni RR. "Babatiin. Ako naman, makakatingin nang diretso sa kanya dahil wala akong ginagawang masama," ma-riing pahayag pa ni RR. * * * TULOY ang laban para kay OMB Chairman Edu Manzano. Pagkatapos paratangan ng kung anu-ano si Chairman Edu at sabihang sinungaling, nagbigay na siya ng pahayag kaugnay ng akusasyon ni PASG Usec. Antonio Villar. Nagsimula ang isyu sa pagitan ng dalawa nang dahil sa nawawalang replicating machines na nagkakahalaga ng ilang milyong piso. Agad naming kinuha ang panig ni Edu. Kinumpirma niya na sa paglabas ng kolum na ito, nakapag-release na sila ng statement sa ilang newspapers. "Nag-release na kami kanina. 'Yong mga sinasabi ni Villar, wala siyang ibini-bigay na plate numbers. Pati security guards, mga witness ay nagbigay din ng written affidavit na walang katotohanan ang sinasabi ng PASG. As a matter of fact, sila nga ang nangi-intimidate at madalas magsi-nungaling,"diretsahang wi-ka ni Chairman Edu. Ilang araw nang nasa pahayagan ang bangayan nina Chairman Edu at Usec. Villar. Tinanong namin ang TV host kung bakit ganoon na lang ang pag-iinit ni Usec. Villar sa kanya. Aniya:"Dahil sa replicating machines. Sila kasi, nasa kustodiya nila. Sila ang hinahanapan lagi dahil mga nawala habang nasa custody nila. " Pero, may ibang ber-syon. Nasa pangangalaga raw ng OMB ang kontrobersyal na replicating machines. "Sabi ng Kapitan. Alam niyang nasa kustodiya ng PASG," wika pa ni Edu. Sa kabila ng mga pani-nira kay Edu, buo pa rin ang loob niya. Sa tingin nga na-min, isa lang ito sa simula ng paninira sa kanya dahil ma-ugong ang balitang tatakbo siya sa 2010 elections. Pero hanggang ngayon, wala namang kumpirmasyon mula kay Edu about his political career. Para sa OMB Chairman, ang alitan nila ni Usec. Villar ay isa lamang sa mga pagsubok na kinakarap niya sa araw-araw bilang tagapama-hala ng Optical Media Board. Source: Taliba |