Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion admits she is a frustrated singer

Valerie Concepcion admits she is a frustrated singer

Author: Arniel Serato

Fulfilling para kay Valerie Concepcion ang magbigay ng kanyang serbisyo ng libre para sa good cause ng Philippine Movie Press Club. Last March 25, nakausap ng ABS-CBN.com ang Wowowee co-host pagkatapos niyang mag-perform ng ilang kanta para sa fund raising concert ng PMPC. So nag-e-enjoy kaya siya sa kanyang "singing career"? "Singing career, teka lang naman, hahaha. Yeah I have an album na...hindi, hindi ano ka ba wala akong singing career." Yung mga kinanta mo ba ay mga favorite songs mo? "Ay hindi, yun lang yung kaya ng boses ko hahaha. Oo, limited lang kaya ng boses ko kaya pili lang yung mga kanta." Darating ba ang araw na magkakaron ka ng opening number sa Wowowee na solo sa pagkanta? " Malay natin, hindi natin masabi, malay mo after mga 1 taon nagvo-voice lesson ako. Baka sakali, hahaha."

Inusisa din namin ang magandang si Valerie kung frustrations nga ba niya ang pagkanta. Pag-min niya, " Medyo, kasi parang feeling ko nadiscover ko na yung talent ko na kaya ko na mag-act, tapos na-discover ko din na kaya ko ng sumayaw at mag host so I think yun na lang yun talagang kailangan ko na i-concentrate na parang masabi ko din na I can sing din pala. So frustration ko yung pagkanta, so sana by next year kaya ko na din."

Since nalalapit na ang lenten season, tinanong ng ABS-CBN.com kung saan nga ba siya mag-spend ng lent at kung may balak ba siyang mamanata o magbakasyon. " Ah wala, ah sa Holy Week the usual tradition ng family naming pupunta sa Tarlac dun kasi yung sa father side ko so pupunta dun tapos dun lang kami the whole Holy Week kasi they believe that pagka- Holy Week parang we should mourn and parang you know kasi ako gusto ko talagang mag Bora [Boracay] talaga tapos ayaw nila akong payagan kasi nga daw parang namatay si Jesus tapos nag-e-enjoy ka parang ganon. So the usual, we will just go to Tarlac, the whole family." Lahat na siguro halos ng artista ay nakapasyal na sa pinakatanyag na beach ng bansa, bakit kaya hindi pa niya napuntahan ang Boracay? "Coz walang time especially now kasi di ba everyday ang Wowowee so siyempre kung first time ko sa Bora gusto ko naman mag-enjoy ako kahit isang linggo lang. Kasi ang pinaka [bakasyon] ko lang talaga is yung Holy Week pero ayaw pa akong payagan so di ko alam kung kailan ako makakabora."

If ever you're given a chance na makapunta ng Bora for the first time, sino ang isasama mo? " Siyempre the whole family kasi hindi pa din sila nakaka-bora and first and last time na nakasakay sila ng plane was nung nag Christmas kami sa Cebu. So hindi pa sila ulit nakakasakay ng plane after that, 2007. Sila talaga yung isasama ko para at least y ung mae-experience ko mae-experience din nila." Meron kaya siyang naisip na sexiest summer adventure? " Wala naman. You know what, I'd never been to Bora so I wanna experience Bora that's all. That's all I can say. Na parang yun ang nasa isip ko. Pero yung sexiest adventure na ano, siguro ewan ko." Inamin din niya na hindi niya nakaugaliang magpa-basa sa panahon ng kuwaresma. Sabi pa niya, " Ok na sa akin na magsimba ako and ask for forgiveness for my sins pero yung ganun parang di ko carry."

So dahil panahon ng pagmumuni-muni, ano naman kayang mga 'sins' niya ang gusto niyang ihingi ng tawad? "K ahit ano, kung ano lang kasi ako when I pray I always say na parang sa mga sins ako na sinadya ko man or hindi ko sinasadya di ba na hindi ko alam na ginawa ko naman pala. Ganun walang specific." This year, mula January ano ba yung ipaghihingi mo ng tawad? " Akin na lang yun, hahaha. Pero feeling ko there's a lot because of small things but nothing really major so I can't specifically say one thing lang na ginawa ko na major na ipaghihingi ko ng tawad. No, no, wala akong naiisip na ganun. siguro small things marami pero yung major wala talaga."

Source: ABS-CBN Interactive