Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion bagong syota ni Manny Pacquiao?

Valerie Concepcion bagong syota ni Manny Pacquiao?

Author: Gary Sta. Ana
Column: Palaban

PAGKATAPOS ma-link ni Ara Mina kay Manny Pacquiao, si Valerie Concepcion naman ang sumunod.

Malaki raw ang talent fee na ibinayad ng peoples champ na si Manny kay Valerie sa kagustuhan ma-pasama ito sa pelikulang pinagbibidahan ng boxer at ni Ara, ang Anak ng Kumander.

Mukhang nahihilig si Manny sa mga seksing 'second hand' na babae sa showbiz.

Ano kaya ang masasabi ni Eric Pineda, manager ni Manny?

Totoo rin kaya na si Direk Kaka Balagtas ang nakabola kay Manny pa-ra mag-produce ng big budgeted na pelikula?

* * *

MAGKAKAROON ng show ang mala-Robin Padilla na si Lex Lopez sa Dec. 12 sa Zirkoh Greenhills bar kung saan ma-kakasama niya sina Faith Cuneta, Avi, Katherine Luna, LXD dancers, Ian Valdez at Closet Queens. Ang titulo show ay Happy Together na mapapa-nood bandang ika-9 ng gabi.

Bukod sa show ni Lex na ito, nagsasanay rin siya sa Survivors Stuntmen under John Lapid at Direk Alan Noble.

Kasama kasi si Lex sa pelikula nina Manny Pacquaio at Ara Mina na Anak ng Kumander.

Next week ay mag-start na siyang mag-shooting sa Nueva Ecija.

* * *

ANG pinakaaabangang portion ng No. 1 noontime show na Eat Bulaga ay ang Tatak Mo o Tatakbo na si-yang nagbibigay ng pag-asa sa mga kababayan natin para makapag-uwi ng malaking premyo na handog ng nasabing show. Kaya naman magpa-hanggang sa ngayon ay No. 1 noontime show pa rin ang EB. Tutok lang sa EB mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA-7 lang po.

* * *

ISA sa mga simpleng gabi-nete ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo ay itong si DBM Secretary Rolando Andaya Jr.

Bakit kamo? Ang iba pang gabinete ni PG-MA ay may mga escort at pagka-rami- rami pa, samantala si Sec. Andaya Jr. , ay driver pa lang palagi ang kasama at hindi pa maganda ang kanyang sasak-yan.

Ang ibang ga-binete ni PGMA ay puro luxury cars ang gamit. Kaya tama lang na sa DBM nailagay si Sec. Anda-ya Jr. , marunong itong magtipid sa budget ng gobyerno. Hindi rin mayabang kung umasta ang dating Kongresista ng Bicol.

* * *

SINO naman itong aktor na itong laging laman ng mga massage parlor sa Malate?

Kakaibang massage daw ang gusto ni actor 'J' na isa ring batikang babaero at iniuutos niyang maghubad ng lahat ng kasuotan ang nagmama-sahe sa kanya. Pero, galan-te naman si actor 'J' dahil kung magbayad sa masahista na may kasamang kakaibang serbisyo ay P5 thou.

* * *

SA mga gustong magbi-gay ng showbiz balita o may reklamo kayo sa mga artista natin mag �" email lamang sa gary_staana @yahoo. com o mag text sa 09053220041

Source: Taliba