Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion bids goodbye to comedy show, says hello to drama

After two years, Valeri Concepcion goes back to afternoon drama via Precious Hearts Romances.

Author: Rose Garcia

Natanggalan man siya ng isang show, may project na pumalit naman. From comedy ay magbabalik sa drama si Valerie Concepcion. Ayon sa kanya, matagal na siyang na-inform na kasama siya sa cast ng bagong afternoon series ng ABS-CBN, ang "Bud Brothers" na hango sa librong Precious Hearts Romances.

Ang magiging kapareha ni Valerie rito ay si Will Devaughn, at first time na susubukan ng ABS-CBN ang kanilang bagong tambalan.

Happy ang aktres sa kanyang afternoon TV series. "Excited, eh, 'no!" nakangiting sabi ni Valerie.

Ano nga ba ang character na gagawin niya sa series na Precious Hearts Romances?

"Ako si Sabel, isang Psychology student na yung cousin ko, girlfriend ni Will. Pero, ayaw ng tatay ng cousin ko kay Will. So, ang gagawin niya, uutusan niya 'ko na paghiwalayin ang cousin ko at si Will.

"Ang mangyayari, paghihiwalayin ko sila, pero, in return, magiging close kami ni Will. Pero, malalaman niya kasi yung pagkukuntsaba namin ng uncle ko sa umpisa, eh," ang salaysay ng 21-year old star.


Pang-week 7 pa raw ang episode na gagawin nilang dalawa ni Will. Sa aspeto ng pag-arte, challenging ba sa kanya kapag drama ang ginagawa niya?

"Medyo challenging siya kasi, ang tagal ko nang hindi nagda-drama. So, hindi ko na alam kung mabilis pa ba kong umiyak or ano...pero at the same time, I'm excited. Kasi, even one week lang siya, at least, drama ulit, di ba? Na-miss ko 'to, eh...Na-miss ko ang drama."

LEAVING Banana Split. May kaugnayan ba ang bago niyang project sa pamamaalam niya sa Banana Split?


"Ah, hindi naman!" mabilis niyang tanggi. "Actually, kung puwede nga at kung gugustuhin ko, drama at comedy, sabay-sabay, di ba?"

Ayon kay Valerie, talagang ang naging problema nga raw ay ang talent fee niya sa Banana Split, kung saan ay hindi nagkasundo ang show at ang manager niya na si Becky Aguila. (Click here to read article.)

Pero ipinaliwanag ni Valerie na hindi naman sa dahilang masyado silang mataas mag-presyo sa kanya kundi dahil sa paniniwala na rin ng manager niya na sa isang show, habang tumatagal ang isang artista, kung hindi nga raw tumataas, at least, name-maintain ang TF.

"Eh, ang nangyari kasi, gusto nilang babaan. So, ako naman, kung ano ang gusto ng manager ko, sumusunod lang din naman ako sa kanya."

Nakausap naman daw niya ang director nilang si Direk Edgar Mortiz.
"Nakausap ko siya at sabi naman niya, okey lang 'yan. Malay mo, may ibang show. So, I don't know...sana ...sana ..."

HAPPY IN Wowowee. Since napag-usapan ang talent fees, tinanong namin siya bilang isa sa mga co-host ng Wowowee kung happy siya rito, sa kabila ng ilang intrigang ibinabato sa kanila.


"Oo naman, happy talaga ko sa Wowowee. Feeling ko, pinakamalaking blessing ko talaga ang Wowowee. Happy talaga ako sa show," nakangiting pahayag niya.

Ang mismong host ng show na si Willie Revillame ang lumabas sa YES! magazine bilang Most Powerful celebrity, at ayon sa nakalap ngang report ng YES! ay kumikita raw ng humigit-kumulang one million per day.

Bilang isa sa mga co-host, masasabi ba niyang kaya rin siya very happy sa show ay dahil malaki rin ang TF na natatanggap niya tulad ni Willie?

"Ay hindi, hindi! Tae, tae ng TF ni Papi. Dumi lang ng kuko," natatawang biro pa niya.

Dagdag niya habang nakatawa, "Papi! Baka type mo naman kaming bigyan...Hindi, joke lang! Siyempre, si Papi naman, ibang level naman yun, di ba? Kumbaga, ginagawa naming parang ang saya-saya lang namin every day. Feeling ko, deserving naman, worth it naman kung anuman ang natatanggap niya."

Bilang panghuli, siniguro niyang mataas man o hindi ang TF ay happy siya, "Popularity-wise, exposure-wise, bawi na kami sa Wowowee. I really love Wowowee!"

Source: Philippine Entertainment Portal