|
|
| Valerie Concepcion binigyan ni Willie Revillame ng P7-M na pambili ng bahay![]() Author: Gary Sta. Ana BIBILI ng bagong bahay ngayon si Valerie Concepcion, isa sa mga bida sa comedy show ng ABS �" CBN na Banana Split. Ang napili niya ay magandang bahay sa isang subdivision sa Quezon City na nagkakahalaga ng pitong milyong piso (P7-M). Ang una niyang tiningnan ay âyong nasa Las Vista, kaso nagkaroon ng problema kaya hindi niya itinuloy ang pagbili roon. Isyu ngayon na ang P7-M na ibibili ng bagong bahay ni Valerie ay âbigayâ ni Willie Revillame. Kaya lalong tumindi ang tsismis na mayroong lihim na relasyon ang dalawa. Nagsimula ito nang mahuli minsan si Valerie ng isang movie reporter na dinadalhan ng pagkain si Willie dressing room ng noontime show nitong Wowowee. * * * MARAMING mga bata ang gustong pumasok sa industriya ng showbizness. At suwerte sila dahil mayroong bagong tatag ngayong talent agency, ang Liahona Casting Agency na nagbibigay ng training sa mga batang gustong pasukin ang showbiz, particular ang mundo ng commercial. Ang mga aplikante ay tini-train muna na LCA bago isabak sa mga VTR. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga batang talents ang LCA �" sina Dave Vincent Bollosos, Jantyler Ucol,John Eze-kiel Lago, Chello Jardi-niano at Audric Anuel Cobangbang. Ang opisina ng Liahona Casting Agency ay matatagpuan nâyo sa Unit A &B 3F, Annette 2 Bldg. , 604 Boni Avenue, Mandaluyong City ang extension office nila ay mata-tagpuan sa 2F Young City Center Zabarte Road No-valichez Quezon City. * * * PATOK na patok ang Sa Pula Sa Puti ng Eat Bulaga. Karamihan ng mga sumasali rito ay mga mula sa mababang antas ng ating lipunan. Kaya naman natutuwa ang ito dahil nagkakaron sila ng pagkakataon mag-uwi ng malalaking perang premyo. At nagpapasalamat sila sa number one noontime show na Eat Bulaga na na-papanood mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7. Source: Taliba |