|
|
| Valerie Concepcion binulabog ang Cebu City![]() Author: Gary Sta. Ana ISA sa mga sikat na TV personalities na babae sa ngayon ay itong si Valerie Concepcion na co-host ni Willie Revillame sa Wowowee Bukod sa pagiging TV host, sikat na endorser din si Valerie ng ilang malalaking produkto sa market. At ngayon ay may bagong product endorsement na naman si-ya. Kamakailan lang ay pumirma siya ng endorsement contract sa UK Derm Pharma para sa Erase Solution, Erase Placenta Exfoliating soap at Erase herbal Placenta. Dala-dala ang Erase Solution, Erase Placenta Expoliating soap at Erase Herbal Placenta, nagpunta sa iba't ibang malls sa Cebu City si Valerie last February 15. Binulabog niya ang libu-libong fans na dumumog sa mga mall para lang masilayan nila ang hina-hangaang si Valerie. Tuwang-tuwa ang mga taga-Cebu sa mga pakulo at programang inihanda ng mga taga-Erase para sa publiko. Ang Erase Solution ay ang nag-iisang produkto sa mga merkado na nagbibigay-solusyon o nagpapahilom sa stretch marks at iba pang problema sa balat. Samantalang ang Erase Exfoliating soap ay may micro peeling effect na tinambalan pa ng Erase herbal Placenta na nagbibigay ng kutis-artista tulad ni Valerie. For more inquiries on the products of UK Derm Pharma visit www. ukderm. com Samantala, lungkot na lungkot si Valerie sa pagkakaospital ni Willie Revillame dahil sa sakit sa puso. Nang makausap namin siya, miss na miss na raw niya ang host ng Wowowee. Sa ngayon kasi ay iba-ibang co-host ang nakakasama ni Valerie sa Wowowee. Dasal pa pa niya na gumaling kaagad si Willie at nang muli raw niyang makasama sa pagho-host. "Kaya dapat ay inii-ngatan natin ang ating puso. Magagawa ito sa proper diet at regular exercise," payo ni Valerie na ang isa sa mga iniindorsong produkto ay may kinalaman sa pagpapanatiling fit ng katawan. * * * PARAMI nang parami ang mga sumusubok pasukin ang industriya ng showbusiness, kasama na rito ang mga alaga ng Nephites Production na nalilinya naman sa commercials. Karamihan sa kanila ay madalas makuha sa TV commercials dahil sa angking talento nila. Ang batang talents ng Nephites Production ay kinabibilangan nina Rainier Emmanuel Gianchard, Isha Kim Quibal, Jhainiel Avirile Sibal, Robert Charles Magbanua, Arianelle Rose Antonio, Vjanah Mikaela Rodriguez, Lovely Melody Arevalo at Leinard Tiangan. * * * KARAMIHAN ng members ng EB Babes ay magaganda at seksi. Kaya naman maraming kalalakihan ang humahanga sa nasabing grupo lalo't regular sila sa portion ng Eat Bulaga na Taktak mo o Tatakbo. Samantalang nakatutuwa naman sina Wally at Jose kapag nagsasama sila sa pagho-host. Kaya Tutok lang sa EB mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7 lang po! Source: Taliba |