Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion compares her crushes Richard Poon and John Lloyd Cruz

Valerie Concepcion compares her crushes Richard Poon and John Lloyd Cruz

Author: Julie Bonifacio

Sunud-sunod ang mga isyung nilinaw ni Valerie Concepcion sa launching ng bago niyang product endorsement na Energo noong isang gabi, October 8.Una na ang tungkol sa pag-amin niya na crush niya ang Big Band Crooner na si Richard Poon na makakasama rin niya sa nalalapit na show nila sa Zirkoh Timog this coming October 18, Saturday.

"It started when they asked me, 'O, nakatrabaho mo na ba si Richard Poon? What can you say about him?' And then, I said, 'Ah, I like his voice. Sobrang sarap pakinggan. Tapos ang sarap sa tenga. Sabi ko kapag hinarana niya ako baka himatayin ako. But actually, 'yung voice niya ang gusto ko," umpisa ni Valerie.

Natatawa naman si Valerie when asked kung anong reaction niya na si Sarah Geronimo daw ang crush ni Richard? "Actually, 'yung kay Sarah Geronimonaman ang masasabi ko lang po kasi feeling ko kung sinabi niya 'yunna mas gusto niyang maka-duet si Sarah, uhm, okeylang kasi aminado naman ako na hidni ako singer 'di ba? Kung papiliin naman siya between me and Sarah kung sino ang gusto niyang maging girlfriend that's his choice 'di ba? Pero siyempre, 'Richard Poon, ouch!' O, 'di ba?" biro ni Valerie.

Nagpatuloy si Valerie na hindi naman siya nahurt sa statement na ito ng crooner. "Parang ano lang. Siyempre kung ina-admire mo siya kahit 'yung voice lang niya 'di ba? Parang sana man lang sinabi na lang niya, 'Crush ko rin naman si Valerie. Maganda rin naman siya.' Sanamay ganu'n. Sana may bawi na lang," natatawang sabi ni Valerie.

But anong gagawin ni Valerie kung sakaling bumawi nga si Richard sa show nila? "Ay! Nag-iinit 'yung tenga ko.Feeling konamumula ang tenga ko. Hahaha! Nag-iinit kasi ang daming intriga. Ang daming tanong. Nalulula ako!" say ng aktres. "Ay, naku, baka himatayin ako. Hahaha! Nag-palpitate ako bigla. Kasi kapag pinikit ko ang mata ko tapos narinig ko ang boses niya baka ma-hayyy."

Paano pa kung ligawan siya ni Richard? "Ay, hindi naman. Kasi yun po'ng pagkagusto ko sa kanya nga 'yung boses niya. Pero not naman 'yung gustong maging boyfriend. Kaya hindi ko rin masasabi. Kasi ini-imagineko ang boses niya. Eh, masarap pakinggan ang boses niya. Doon lang okey na ako. Kasi very hopeless romantic ako kaya kapag kinantahan ako parang feeling ko ganu'n. Weakness ko 'yun, eh," bawi naman ni Valerie.

Pero pwede nga bang maging boyfriend niya si Richard? Natatawang sumagot nanaman si Valerie. "Mangyayari ba 'yun? Di ba English speaking siya? Magno-nose bleed ako. Hahaha! Joke! Pero hindi tayo makakapagsalita ng tapos. Hindi natin masabi 'di ba? Mamaya sabihin ko, 'Naku, hindi ako made-develop sa kanya after ng sinabi niya.' Joke!Uy, joke lang, ha."

The real score on her love life

So kung hindi siya interesado kay Richard na maging boyfriend, sino nga ba ang boyfriend niya ngayon? "Wala po. Well, 'yung sinabi ko nu'ng Slenda presscon yun pa rin 'yung mga dini-date ko. 'Yung San Miguel player at 'yung naka-base sa Australia na businessman," share ni Valerie. Sinabihan na ni Valerie 'yung Austrlian businessman na friends na lang sila. Kaya lang patuloy pa rin daw ang pagte-text sa kanya at tumatawag sa Mommy niya. "Hindi siya DOM (Dirty Old Man). He's only 24. He's gwapo naman.Mabangong-mabango," sabay tawa ulit ni Valerie.

Inamin naman ni Valerie na mas malapit siya sa cager kesa sa Australianong businessman. "Actually,masasabi ko naman nakung papipiliin ako sa dalawa mas pipiliin ko 'yung player kasimatagal ko na siyang kilala, e. Nasa kabila pa lang ako ay nandyan na siya. Dondon ang name niya. Pero huwag na lang nating pangalanan. Energo na lang ang itawag natin sa kanya," biro ni Valerie.
So, mas type niya 'yung nagdi-dribble kesamagaling kumanta? "Eh, kasi 'yung magaling mag-basketball naman matagal ko ng kakilala. E, si Richard Poon naman, hello! Hindi nga siya nagti-text sa akin 'no. Baka sabihin naman niya feeling ako. Hahaha!" dagdag ni Valerie. Hindi raw sila makapag-seryosohan ng relasyon nu'ng basketball player dahil may anak din ito tulad niya.

Crushing on John Lloyd

Samantala, natulala raw si Valerie nu'ng kausapin siya ni John Lloyd Cruz, na isa pa niyang crush, sa ASAP '08. "Sumayaw kasi kami for 'Banana Split.' Promo and then from the other end nasa gitna ako bigla siyang pumunta sa tabi ko. Sabi niya, 'Hi, Valerie,' gumanu'n siya. Nagulat ako. Dati crush ko siya. Nu'ng bagong lipat ako siya talaga 'yung unang-una ko'ng naging crush.Tapos parang 'yun..nawala, e. Kasi nakikita ko na siya, nakilala ko na siya. So, ganu'n ata 'yun, e. Hindi naman ako natulala. Sabi ko nga, 'Hi, John Lloyd.' Hindi naman ako natulala."

Nag-guest din si John Lloyd sa isang episode ng Banana Split. Hindi ba sila nagkaroon ng chance na makapag-bonding doon? "Yun nga kaya ko nalaman na hindi ko na siya crush. Parang nawala lang 'yung mystery. Kasi nakatrabaho mo na. Kasi 'di ba may mga girls na kapag nakatrabaho na, nakilala na, parang wala na.'Tsakanaintriga ako na pag nagka-trabaho ba kami parang ano kaya maka-arte kaya ako ng maayaos? E, nakaarte naman ako ng maayos awa ng Diyos."

Since napunta na sa topic ng Banana Split ang usapan, natanong si Valerie na kung naging saging si John Lloyd, ano'ng klase siya? "Hay, ano bang ang pinakamasarap na saging? Pinakamasarp siya." Paano niya nasabing masarap si John Llolyd? "Kasi parang ang bangu-bango niya. Ay, teka lang. Lahat na lang mabango." Malaki o maliit na saging siya? "Sakto lang. Alam mo kung bakit? Kasi wholesome siyang tingnan, e. Grabe wholesome sa image."

Si Richard Poon ano sa tingin niya? "Regular na saging din." What about si Dondon? "Hindi ko alam. Hindi ako masyadong magaling sa mga klase ng saging. Di ba senorita, maliit, tapos 'yung lakatan, 'yung mahaba. 'Yung latundan, malaki na makinis ang balat." Napaisip ang dalaga sabay banggit ng isa pang hot young actor. "Si Jon Avila, ganu'n. 'Yun tama, kasi maputi siya, e." What about yung tatay ng anak niyang si Fionna? "Ay, naku, hot-hot siya!Kasi wala naman ako'ng ibang....kasi hindi ko na siya nakita ulit." Maiin-love kaya ulit siya kapag nakita niya ang ama ng anak niya? "I don't think so.Not really magkaaway. Wala naman ako'ng sama ng loob sa kanya."

On raising Fionna

Aminado din si Valerie kung babalik man ang tatay ng kanyang anak ngayon ay wala na itong puwang sa buhay nila. "Hindi po. Kasi parang feeling ko kung babalik siya bakit ngayon pa?It's been a long, long time and parang....it;'s been more than four years." Sabi rin ni Valerie ay di naman nagpakita ang dating nobyo sa kanyang anak so bakit pa ito babalik.

Ini-reveal din ni Valerie na never naman niyang pinagbawalan ang ex niya na makita ang anak nila. "No," sagot ni Valerie. "Ewan ko sa kanya kung bakit. Alam naman niya kung saan akonakatira. Pero hindi talaga.Kung nahihiya siya, sige, mahiya na lang siya forever. Hahaha!" sambit ng aktres. "Nag-aaral na ngayon si Fionna malapit sa amin. Magpo-four na siya sa October 25."

Kung bibigyan siya ng child support, tatanggapin ba niya ito? "Uhm,, hindi ko alam. Depende kasi feeling ko naman my daughternaman has the right to know who her father is.As a mom, feeling ko hindi ko naman dapat ipakait 'yun sa kanya.So, kung makikitaan ko naman talaga ng effort ang Dad niya why not?
"Pero kung ako ang papiliin sa totoo lang hindi ako magpapaka-plastik. Since four years namanna kaming tahimk, kaya naman naming mabuhay na kami lang. Sana huwag na lang siyang bumalik."

Sabi ni Valerie kung maghanap man ng daddy ang kanyang anak, i-eexplain na lamang niya ito ng mabuti, when the time comes. "Siguro by that time na maghanap siya may boyfriend na ako. Hahaha! Sasabihin ko siya na lang ang bago mo'ng Daddy. Joke lang, " pabirong hirit ni Valerie nung una pero naging seryoso ito. "Hindi, siguro ano i-explainko'ng mabuti. Pero kailangan talaga explanation di ba? Kung halimbawa may isip na ang baby ko at magtatanong na siya ng ganu'n, then, maybethat's the time to explain whatreally happened. Kasi wala naman talaga ako'ng balak itago sa kanya, e."

Na-meet na ni Fionna si Dondon pero hindi niya ipinakilala bilang Daddy sa kanyang anak. "No, of course not. Uh, Kuya. Hindi nga Tito, e, Kuya lang.Kapag nakikita niya sa TV, 'Ay, si Kuya Dondon,' ganu'n lang." Nabanggit din ng aktres na walang idea si Fionna kung sino ang tunay niyand ama. "No, hindi niya alam. Ako 'yungnagtatanong sa kanya. Sabihin ko, uhm, 'Gusto mo ba ng Papa?' Parang ganu'n. Hindi, si Daddy lang. At 'yun si Daddy ko. That's my Dad. Kasi Daddy ang tawag niya sa Daddy ko. Hindi pa niya alam, e."

Pero dagdag ni Valerie ay naipakita na raw niya ang picture nu'ng ama ni Fionna sa bata. "Sabi ko lang, 'Guwapo ba ito?' Tapos ayun, 'Hindi ko alam,' sabi ni Fionna. Kasimeron ako'ng picture nu'ngdad niya, na 2 x2. Na dati pa na nakita ko sa sapatos niya. Hindi ko alam kung paano napunta doon.Para kung magtanong si Fionna in the future sabi ko, 'Sige nga, itago ko nga.'" Nakahanda naman daw siya na ipagtapat lahat sa kanyang anak ang tungkol sa kanyang ama. "Siyempre feeling ko naman right naman niya talagang malaman."

Sa rami ngayon ng projects ni Valerie naiisip rin nito na maginvest na sa future nilang mag-ina. "Bilang na bilang po kasi (ang talent fee niya), nag-iipon ako pambili ng bahay. Gusto ko dito sa bandang QC area like Commonwealth, ganyan. Para po malapit sa ABS-CBN," tapos ni Valerie.

Source: ABS-CBN Interactive