Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion dapat gawing inspirasyon ni Jennylyn Mercado

Valerie Concepcion dapat gawing inspirasyon ni Jennylyn Mercado

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

KAHIT ano pa ang sabihin ng ilan, sure na nakuha ni Jennylyn Merado ang simpatiya ng kababaihan.

Nakaka-relate ang mga ito sa sinabi ng aktres na ilang beses daw niyang sinabi kay Patrick Garcia na ayusin nila ang mga bagay sa pagitan ni-la.

Ayon pa sa balita, mara-ming ulit na humiling ng pa-kikipag-ayos si Jen, pero na-uwi rin sa wala ang kanilang pagsasama. O, 'di ba, very ci-nematic ang dating ng dalawang ito?

Ang magandang kapatid ni Patrick na si Chesca Garcia ay halatang wini-welcome ang ideyang pagbubuntis na ito ni Jennylyn, na magkakaroon na siya ng pamangkin kay Patrick. Pero ang Mommy nilang si Bing Garcia is kinda saying another thing. Na tipong hanggang ngayon ay may ilang bagay pa ring gumugulo sa isip ng ina ni Pat-rick.

Kung sabagay, kahit naman sinong ina ay gusto lamang na mapabuti ang anak nila , di ba? Gusto ng mga na-nay ang the best para sa mga anak nila. Siguradong marami namang makaka-relate na ina kay Tita Bing, 'yung mga ma-dir na tipong ayaw pang 'pakawalan' ang mga anak nila.

Anyway, hangang nga-yon ay nagtatrabaho pa rin si Jen. Ilan nang nakausap na-min ang nagsasabing hindi pa halata ang tiyan niya kung kaya sinasamantala ng aktres ang panahon na makakapag-trabaho pa siya.

Kailangan niyang kumita, noh. Maaliwalas din ang mukha ni Jennylyn. Hindi halatang may dina-dala siyang gani-tong problema.

Well, kaila-ngan niyang magpakatatag hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa magiging anak.

Aba, who knows, mas lalong bumongga ang career ni Jen 'pag nagkaanak na siya? With the support of her manager and GMA-7, si-guradong may career pa itong si Jennylyn. At si Patrick na walang ba. .. ? Ay naku, Diyos na lang ang bahala sa kanya.

* * *

SI Valerie Concepcion ang endorser ng Slenda dietary supplement (available ito sa leading drugstores) at ito ang dahilan kung bakit siya super sexy ngayon.

Nope, walang lovelife si Val, puro trabaho lang daw ang inaasikaso ng aktres na ito.

Ang Slenda ang effective na dietary supplement dahil may taglay itong natural na sangkap na nagpapabawas ng timbang. Kaya naman nami-maintain ni Val ang kanyang desired weight. Siyempre, ka-sama na rin ang pagda-diet at exercise dito. Ayon kay Val, healthy eating ang ginagawa niya. Kumakain siya ng gusto niya, but in moderation.

Aware din si Valerie na si-ya lagi ang ikinukumpara sa friend niyang si Jennylyn Mercado. Single Mom din si Val, pero gaya ng lagi niyang sinasabi, hindi hadlang ang anumang pagsubok sa buhay para maging successful ang isang tao. Ngayon ay maganda ang takbo ng career ni Val. Isa siya sa magagaling na hosts ng Wowowee at ilan din ang proyekto na kanyang ginagawa sa ABS-CBN.

Blessed si Valerie with a cute baby girl na nagsisilbing inspirasyon niya at masuwer-te rin ang aktres dahil may parents siyang katuwang sa pag-aalaga sa kanyang mun-ting anghel. 'Yun na!

* * *

PABULOSA talaga si Gret-chen Barretto.

She is everywhere. May MTV with the hunky papas Zanjoe Marudo at Jon Avila ang aktres, at kung akala ng lahat na natapos na ang pagi-ging kontrobersyal niya after that talakan blues with Nadia Montenegro on print, ay nag-kakamali kayo.

Well, karakter talaga si La Greta. Siya lang ang nag-iisang nag-walkout, at habang imbyerna siya sa isang talkshow ay nakuha pa ring magpapiktyur sa labas ng studio with a fan. O 'di ba, naman?

Eh, how true naman kaya na muntik nang nagpang-abot sina Gretchen at Lani Mercado sa isang lamay recently? Ayon pa sa isang reliable source, dumating si Gretchen a night before at nang sumunod na gabi ay si Lani naman ang pumunta sa lamay na 'yun. Nabanggit ng isang ma-lapit kay Lani na naroon si Gretchen, the night before, pero dedma na lang ang aktres. As in, parang walang na-rinig. Dedmahin ba ang past!

Source: Taliba