Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion 'di na dadalhan ng ulam si Willie Revillame para makaiwas sa intriga

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

NANGGAGALAITI sa galit ang businessman-producer na si Zachary Barlahan sa ginawang pambabastos sa kanila ng host-comedian na si John Lapuz nitong Dec. 24 ng madaling araw ( 3 a. m. ) sa Heaven and Eggs resto sa Tomas Morato, Quezon City sa harap mismo ng maraming customers.

Kuwento ni Zachary, 'di niya inaakalang maga-gawa iyon ng isang si-kat na showbiz persona-lity na tulad ni John dahil lang sa isang lalaki na ka-sama nila nang sanda-ling 'yon na 'ex' daw ng isa sa friends ni John La-puz.

Kaya naman after ng nasabing insidente ay ka-agad na tinext ni Mr. Barlahan si 'Sweet. ' At ganito ang naging palitan nila ng text na ipinadala naman sa akin ni Mr. Barlahan.

Zachary- "John La-puz bastos ka! Walang breeding, naturingan ka pa man ding showbiz host. tama ba yan na pagsisigawan mo kami ng hoy! hoy! Hoy! Kilala kita may kasamang bading! Nag-play safe ka pa ng tingnan ka ni Ms. F at pa-sakay kami sa car, 'wag mong sabihin na hindi kami ang pinagsasabihan mo dahil madami ang witness, dahil walang duma-ting at lumabas na may kasamang bading kung hindi kami.

"Gusto mo pa ilabas namin ang mga witness including the guards, stand-byers etc. at Hea-ven and Eggs and Kalye Juan and CCTV camera could attest on what you did. Di mo ako kilala John Lapuz!

"We know lasing ka-yo pero hindi yun excuse o dahilan para mambastos ng tao. Me pag iisip ka pa rin at alam mo ang ginagawa mo. You should be a role model. If I were You John Lapuz pag sabihan mo din ang kaibigan o staff mo na dahil sa kalasingan ay naglalandian sa cr nakakahiya kayo!

"Mr. John Lapuz pareho tayong nasa Showbiz, hindi ako nagpapaka-showbiz o gagamitin kita for my own interest . ano mapapala ko sa`yo? Showbiz is not also my bread and butter. Hindi ako basta-basta na tao na puwede mong lait-laitin at bastos-bastusin. Hindi rin ako cheap at walang pinag aralan. For your information , i`m also into politics, a businessman and producers of shows, both ABS-CBN and GMA. "Again Mr. Lapuz you could call us by name ,hindi kami hayop o taong wa-lang dignidad para bastu-sin, tawagin at pagsisiga-wan mo kami ng hoy!

John Lapuz - "Sorry po, kasi 'yong baklang staff ko 'ex' daw yang kasama niyong lalaki. Nag emote po sa akin na did daw siya pinansin , pata-wad po.

"Sister sorry talaga, mabilis ang pangyayari. Sabi ng staff ko "sweet ko yun di ako pinansin so nag hoy akong bigla , I mean no harm, i`m really very sorry.

Zachary- "John kung ex niya kasama naming ang haba ng oras at labas pasok sila, bakit di niya ki-nausap o itext, wala din ka-ming napansin na nang snob na kasama namin sa staff mo. Kung meron man ,dapat nabanggit ng kasama namin.

"Wala din daw siya ka-kilala sa staff mo o sino man sa kasama mo. We challenge you , can you prove that John at totoo ba ang reason mo? Kaya mo ba iharap sa amin ang sinasabi mong ex ng kasama namin? Kaya n`yo ba magbigay o maglabas ng evidence against our guy companion?

"Isa pa John kung ex ng kasama mo ang kasama namin do you think tama ang ginawa mo na ikaw ang nagsisigaw at nagsasalita at nakikialam kung ano man ang naging past nila in public?

"So next time john ha porket artista ka may karapatan ka na mang bastos. Alam mo dapat kung saan ka lulugar at alam mo din sana kung ano ang pinaggagawa mo. Hindi lahat ng tao natutuwa at gusto ang pinaggagagawa mo.

John Lapuz- " Mali nga ako sis . Nabigla lang ako, kasi nag iiyak na yung bakla, please pa-ta-wad, my fault. Alam ko po sorry talaga, eto at iti-text na daw ni bakla ang kasama niyo. Please forgive me.

Zachary- "John tell to your gay friend can we have the number o sino man sa aming tatlo na may contact siya? To verify or check kung tama ang pinagsasabi ng gay friend mo. I don`t think so kung kami nga , hindi namin sila kakilala, sila pa kaya?

"John stop texting na and make any excuses or reasons . Humahaba na ang usapan sa walang kuwentang sagot o reasons mo. Tama na, napatuna-yan ko o namin na isa kang sinungaling at bastos. Hindi na kami magtataka kung bakit marami ka ring kaaway sa showbiz. "

Pagtatapos ng textan nina Zachary at John.

Mukhang naging mai-nit ang pagpapalitan ng text nina Zachary at John Lapuz nang dahil sa isang lalaki.

Open ang aming co-lumn na ito para ibigay ni John ang kanyang side sa nangyari.

* * *

ISANG tsika ang nakara-ting sa amin na nagsasa-bing kaya naman daw 'di nali-link si Valerie Concepcion sa ibang non-showbiz at sa ibang showbiz guy ay dahil may sik-retong relasyon daw ito sa Wowowee host na si Willie Revillame. Na mariin namang pinabulaanan ni Vale nang makausap namin kamakailan.

"Hindi mamatay-ma-tay ang isyung 'yan. Nakahihiya na sa girlfriend ni Papi. Friends lang ka-mi ni Papi at 'di dapat bigyan ng kahulugan ang closeness namin.

"Ayoko na ngang magdala ng ulam ulit sa Wowowee dahil natsi-tsismis lang ako nang wala namang katotohanan ,"

Ayaw na raw pag-u-sapan pa ni Val ang tung-kol sa pagkakalink niya kay Willie at mas gusto raw niyang ang gawing topic na lang ay ang tung-kol sa kanyang career. Ka-ya naman tinanong na lang namin siya kung bakit hindi siya sumali sa Mrs. Philippines dahil sexy at maganda pa rin naman si-ya kahit may anak na.

Source: Taliba