Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion is going to be busy with 'Pat and Tin'

Valerie Concepcion is going to be busy with 'Pat and Tin'

Author: Ador Saluta

Valerie Concepcion revealed na mahirap ang mag-daily show gaya ng Wowowee and this must be the reason kung bakit ang mga Wowowee co-hosts ay bibihira lamang makaraket sa ibang programa, or hindi makagawa ng ibang proyekto aside from the noon time program.

Sa isang panayam ng ABS-CBN.com, hindi maitago ni Valerie ang saya dahil gagawa daw siya ng isang pang-hapong soap entitled Pat is Tin na malapit na ring umere. And of course, with Willie Revillame's blessings daw kung bakit tinanggap nito ang nasabing commitment. " Masaya ako dahil pinayagan niya (Willie) na mag-absent 'pag mayro'ng taping. Susubukan naming once-a-week lang akong mawawala sa Wowowee, pero malabo yata yon (since daily ang airing ng nasabing drama). Ipinagpaalam ako ng production na baka nga mag-twice-a-week ang taping , na maga-absent ako.Pumayag naman si Will," balita ni Valerie. Sa teleserye siya ang main character. " Kuwento ito ng mabait subalit matabang babae na mabibigyan ng pagkakataon na maging payat. Nakakatuwa siyempre na-miss ko rin 'yung acting. At saka a lot of people are asking me since lumipat ako sa ABS-CBN. Kasi parang na-miss nila 'yung drama, eh finally now, eto meron akong mga mga acting role. Happy ako and I'm so blessed," pagbabahagi pa ni Valerie.

Isa rin sa masayang nangyari kay Valerie ay ang paglipat nila sa bagong bahay sa may Filinvest II, sa may Batasan Complex. Hindi bababa ng P10-M ang ginastos dito at proud si Val (palayaw ng actress-host) na dito napunta ang lahat ng kanyang pinagpaguran. " Magkakaroon ng isa pang bonggang house blessing," singit ni Mrs. Mayette Concepcion, mommy ni Valerie, sa interview. Nauna na raw kasing ipina-bless ang bahay bago lumipat. " Masaya ang anak ko dahil nakikita namin kung saan niya ipinundar ang lahat ng kanyang pinaghirapan." dagdag pa ni Mommy Mayette.

Regarding Valelrie's lovelife, she stressed na she's still dating Dondon Hontiveros, player ng San Miguel team ng PBA . "We're exclusively dating, nothing more, nothing less," ang paglalarawan ng dalagang-ina sa kanyang suitor na si Dondon. Ayaw daw nito ng isang commitment right now dahil ang kanyang career ang kaniyang priority. Second lang ang affairs of the heart para kay Val. " Lalo na ngayon na magiging busy ulit ako. Paano na kami, halimbawang committed ako sa kanya (Dondon)?" katuwiran ni Val.

Kung magiging sila na ni Dondon, kailangan din daw nitong mag-ukol ng panahon sa kanya. " Kailangan ko ding mag-allot ng time for a relationship and right now, imposible pa yun sa ngayon. My priority right now is my career," seryoso niyang pahayag. "Same as with him, Dondon has personal issues too na dapat harapin at sa parteng yon, nagkakaintindihan na na kami do'n."

Naniniwala naman daw siya sa kasal, na balang araw ay ikakasal din siya sa lalaking kanyang balak makasama habambuhay. " Pero, right now, hindi ko pa alam kung sino ang pakakasalan ko!" say ni Valerie. Sa ngayong, never pa raw nakipag-bonding si Dondon sa kanyang 5-year old daughter na si Fiona. "We never went out dating na kaming tatlo nina Fiona. Wala pa kami sa gano'ng level. Pero, hindi ko dinidinay na na-meet na niya si Fiona. Bilang disenteng tao at manliligaw, binibisita niya ako sa bahay at do'n sila nagkikita ng daughter ko. Hanggang doon lang." Nagkaroon lamang ng group date ang kanyang pamilya with Dondon noong manood sila ng Pussycat Dolls Concert. Kasama nila ang kanyang mommy, brother na si Paolo at Fiona.

Source: ABS-CBN Interactive