Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion is happy with her relationship with Dondon Hontiveros

Valerie Concepcion is happy with her relationship with Dondon Hontiveros

Author: Ador Saluta

Nakausap ng ABS-CBN.com si Valerie Concepcion at nilinaw nito na "exclusively dating" ang status ng kaniyang relationship with PBA superstar Dondon Hontiveros. "We're dating, almost one-and-a half years na although naging kakilala ko siya since two years ago pa." bungad ni Valerie.

Lampas na raw sila sa "getting-to-know-stage" dahil gamay na nila ang isa't isa. Pero ang usapang kasal ay not at the moment pa raw. "Kilala na niya ako at kilala ko na rin siya. Kaya hindi pa namin magawa (marriage plans) it's because we're enjoying each other's company at the moment. Kung magiging kami nga talaga (as husband-wife), bongga, di ba?" masayang balita ni Valerie.

Ang malaking plus factor, of course, ay ang pagmamahal ni Dondon sa anak ni Valerie na si Fiona. "Nakikita ko naman 'yong care ni Dondon sa anak ko. Excited na nga siya sa darating na (birthday) party ni Fiona. One time, nagkaroon ako ng time na ihatid si Fiona sa school. No'ng malaman niya (Dondon), sabi niya,'Wow! E, di tuwang-tuwa si Fiona.' Andoon naman yong concern niya sa anak ko, in fairness." kuwento pa ni Valerie. Nararamdaman din ni Val (palayaw sa Wowowee co-host) na mahal na rin ng anak si Dondon. "'Pag nakikita niya sa TV si Dondon, sinasabi niya 'Ay si Kuya Dondon!'" dagdag pa ni Valerie.

Very understandable naman for Val na unahin muna ang career over anything else, lalo na ang paglagay sa tahimik. Hot property na maituturing ngayon si Val lalo na't left and right ang kaniyang mga showbiz commitments. Aside from endorsing Slenda and Energo, mayroon siyang TV sitcom na Banana Split at isang movie na kasalukuyan niyang ginagawa outside Star Cinema. Busy rin siya sa pagte-taping ng Wowowee dahil gagamitin daw nila ang pondong 2-weeks taped episodes sa kanilang two-city-tour ng Wowowillie sa San Diego at Houston this coming November 29 and December 7 sa USA.

Besides, Val admitted na hindi pa dapat asikasuhin ang usaping-puso dahil nga naging single-parent siya at the tender age of 17 at ayaw muna niyang sumabak muli sa ganitong relasyon. After all, she's still young, Val's turning 21 this December at 31 years old naman si Dondon but again Valerie insists that she's enjoying Dondon's love and company right now and wedding bells might be in the next five years or so. Paano yun medyo me edad na si Dondon noon kung sa susunod pang 5 or even 7 years more pa ang naitakdang "marrying age " for Valerie? "Oo nga? Pero, malay natin, baka hindi siya ang mapangasawa ko," pabirong huling sagot ni Valerie.

Source: ABS-CBN Interactive