Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion kay Isabel Oli: “Iyung-iyo na si Dondon Hontiveros!”

Valerie Concepcion kay Isabel Oli: “Iyung-iyo na si Dondon Hontiveros!”

Author: Abante

Tulad din ng maraming kababaihan, alahas at bag ang hilig ni Valerie Concepcion. At ang pinaka-favorite raw niya ay Chanel bag, na bigay sa kanya ng isang kaibigan.

Si Dondon Hontiveros ba ang nagbigay ng Chanel bag sa kanya?

“Ay, hindi! Wala! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi niya.

“LV (Louis Vuitton) po ang ibinigay niya sa akin. Regalo niya sa akin nu'ng birthday ko, na parang Christmas gift na rin, at Valentine' gift pa. Ha! Ha! Ha!”

Mukhang kumportable ka na ring pag-usapan si Dondon ngayon, ah?

“Naku, hindi naman. Sinasabi ko nga, we're more than friends, but we're not yet lovers.

“Siguro, masasabi kong we're in the middle of that. Pero, I still say that I still wanna open the door for others. So, I don't know?” sagot niya.

Teka, bukod sa kanya ay nali-link din si Dondon kay Isabel Oli.

“Oo! Kasi, close kami!” sagot niya.

Ipinakita nga ni Valerie ang picture sa cellphone niya na kung saan ay magkakasama sila nina Dondon at Isabel.

“Magkakabarkada talaga kami. Sina Dondon at Isabel, magkasama sila sa church.

“Sa GMA-7 pa lang po, magkabarkada na kami ni Isabel dahil sa Atlantika noon. Tapos ngayon, madalas po kaming magkita-kita. Sila naman po, pareho po silang Cebuano.”

So, hindi pala talaga nanliligaw si Dondon kay Isabel?

“Ay, hindi po talaga totoo `yon!”

Ano ang reaksiyon niya nu'ng na-link ang dalawa?

“Nagtatawagan kaming tatlo! 'Yung parang, nagko-conference call kami.

“Sabi ko, 'Uy, nasa Youtube kayo, ah?' Si Isabel naman, humihingi ng pasensiya sa akin.

“Eh, ako naman, sabi ko lang, 'Ano ka ba? Okey lang `yon, 'no!'

“Sabi ko pa sa kanya, 'Sa iyo na siya. Ha! Ha! Ha! Ha! Naglolokohan lang kami. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Teka, kumusta naman ang relasyon ni Dondon sa anak niyang si Fiona?

“Ah, okay naman po. Hi and hello lang sila!

“Kasi, wala pa naman po kami sa level na parang... Like siya rin, may kid siya. Hindi kami lumalabas na kaming tatlo lang o hindi kami lumalabas na kaming tatlo lang nila Fiona. Wala talaga.”

Siyanga pala, masaya si Valerie dahil finally ay nakalipat na sila sa sarili niyang bahay.

“Bale noong Holy Week po kami naglipat from Tayuman. Since birth sa Tayuman na kami, apartment `yon. So, ang sarap ng feeling.

“Noon ko pa sinasabi na dream ko po talagang magkaroon ng bahay for me and my family. Now na natupad na 'yun, it's like a dream come true talaga.”

Happy rin si Valerie na kahit nawala siya sa Banana Split, nabigyan siya agad ng kapalit, ang Precious Heart Romances presents Bud Brothers, na kung saan ay si Will Devaughn ang ka-partner niya.

Source: Abante