Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion, kinaiinisan!

Author: Dondon Sermino

Imbiyerna at naiinis daw ang humahawak sa TV promo ng pelikulang One Night Only kay Valerie Concepcion? Sabi, matapos daw ang presscon ng pelikula, kasama sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, at Alessandra de Rossi, hindi na nagparamdam si Valerie?

“Imagine, hiningian ko siya ng schedule para makapag-promote ng movie, pero ang ibinigay lang niya ay December 21 at December 24.

“Tapos, `yung December 21 pa, parang hindi pa rin siya available, kasi birthday daw niya `yon. Parang gusto niyang sabihin na huwag siyang bigyan ng trabaho sa araw na `yon, dahil birthday nga niya.

“So, saan pa siya sisingit para makapag-promote ng movie nila?” sabi ng kausap namin na may kinalaman sa TV promo ng One Night Only.

“Eh, `yung December 24 naman, dapat lang na nandu'n siya, kasi Parade of Stars `yon, at automatic na dumalo sila, `di ba? Wala talaga siyang time na mag-promote. Sayang, dahil ang ganda pa naman ng role niya, kaya sana magpursige siyang mag-promote, kasi para rin naman ito sa movie nila,” dugtong na kuwento pa ng aming kausap.

Kung tutuusin, matagal pa naman ang ilalarga ng promo ng pelikula para sa filmfest, kaya parang kataka-taka na ngayon pa lang ay hindi na makapagbigay ng sked si Valerie?

“Matagal pa nga, kaya akala ko may time siya. Eh, ang nangyari pala, umalis nga siya para sa show ng Wowowee sa Amerika. And then, pagbalik niya, ang sabi, aalis daw ulit siya para magbakasyon. So, mas gusto niyang unahin ang bakasyon kesa mag-promote?” sagot pa ng aming kausap.

Sabi namin sa aming kausap, baka naman bumawi si Valerie sa pagpu-promote sa Wowowee. Anyway, araw-araw naman siyang nakikita sa naturang show, kaya araw-araw rin siyang makapagpu-promote.

“Sana nga gawin niya `yon. Pero, hindi lang naman sa TV puwedeng mag-promote, eh. May mga mall tour din sila. Paano naman `yon?” sagot ng aming kausap.

Anyway, nagpapasala­mat na lang ang humahawak sa TV promo ng One Night Only, dahil desididong mag-promote ang mga artistang sina Katrina, Diana at Alessandra.

“Si Diana masipag talagang mag-promote. Nagbigay talaga siya ng time para sa promo. Si Alessandra, kapag kinausap mo, at sinabi mo na ganito ang schedule niya, ginagawan talaga niya ng paraan.

“Si Katrina, this week siya magpu-promote nang husto. Alam niya na importante na mag-promote siya,” say na lang ng aming kausap.

Anyway, naniniwala naman ako na puwedeng-puwedeng lumarga ang promo ng One Night Only, kahit wala si Vale­rie. Unan­g-una, sigurado naman ako na mas hahanapin ng mga tao sa promo ang mga magagandang dalaga, o walang anak na sina Diana, Alessandra at Katrina.

Source: Abante