|
|
| Valerie Concepcion likes being courted but not yet for serious relationship![]() Author: Cesar Pambid Sa rami ng mga ginagawang proyekto ngayon ni Valerie Concepcion ay puwede na siyang tawaging isa sa mga pinaka-in-demand na artists ngayon sa local entertainment scene. Ang kanyang daily stint sa Wowowee, ang kasalukuyang programa niyang Banana Split, isama pa rito ang marami niyang endorsement na ang pinakahuli nga ay itong Energo, isang formulated energy drink na gawa ng Alditz Corporation, ay tanda lamang ng kanyang napakalakas na energy. Ang energy na ito rin ang nagbibigay ng kakaibang sigla kay Valerie Concepcion kung kaya't sa harap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters, nagawa niyang ipagtapat ang maraming detalye tungkol sa kanyang love life. Ipinagpauna na ni Valerie na sa ngayon, ang kanyang career ang kanyang prayoridad at walang bagay na puwedeng pumigil upang lalo pa niyang payabungin ang aniya'y magandang takbo ng kanyang career. Totoo raw na hindi naman niya isinasara ang pinto ng kanyang puso, kahit nakaranas na siya ng pait ng pag-ibig in the past. "But that takes a back seat now," pag-umpisa ni Valerie. "Saka na lang ang muling pagseseryoso ko pagdating sa bagay na 'yan. Ang ganda ng takbo ng career ko at ayoko namang sayangin ang once-in-a-lifetime na pagkakataong nasa mga kamay ko na." Hindi raw niya ikinakailang bata pa siya ay pangarap na talaga niyang sumikat, at hindi man niya sinasabing nagsisisi na siya sa mga pagkakamaling nagawa niya sanhi ng maling prayoridad niya noon, ngayon ay talagang ayaw na niyang maging failure muli. Pero sa kabila raw nito, alam niyang inspirasyon din naman sa kanya ang pagkaroon ng mga masusugid na manliligaw. Na siya raw ay babae at ayaw niyang maging ipokrita na hindi amining kinikilig pa rin siya na merong mga lalaking may interes sa kanya. "I like that," aniya tungkol sa mga nanliligaw sa kanya. "I am not a man-hater, pero hindi ko talaga ito sineseryoso sa ngayon." Dondon Hontiveros. Alam naman daw ng marami na nali-link siya sa isang basketbolista, si Dondon Hontiveros ng San Miguel basketball team. She and Dondon have been friends for a long time now, at malinaw na nanliligaw na ito sa kanya ngayon. Lagi raw ito sa bahay nila at kilala na ito ng anak niya. "My daughter likes Dondon, she calls him Kuya. Nakatutuwa nga, bonding silang dalawa. Kahit sa bahay, malapit siya sa pamilya ko. "Kung handa na lang ako to take another man, hindi ako magdadalawang-isip to accept Dondon already. Sabi ko nga, kilala ko na siya nang matagal, kilala na rin niya ako. Wala pa ako dito, nasa kabila [GMA-7] pa ako, magkaibigan na kami. "But I am not yet ready for anything. Basta ngayon, let things take [their] course. Kung kaming dalawa in the end, mas maganda," may ngiti sa mga mata ni Valerie, na kulang na lang ay sabihing si Dondon Hontiveros na talaga ang love of her life sa kasalukuyan. THE BUSINESSMAN. Medyo seryoso rin daw na suitor niya ang isang businessman na naglalagi sa Australia. "Ok siya, mabait, walang dahilan upang di ko siya magustuhan. He's a bit older, mga thirty-five years old na siya. "Pero dumalang ang communication namin. Ewan ko, bigla siyang parang nanlamig. He communicates with my mom, they talk a lot about business. Sila lagi ang magka-text. "Business-minded din si Mommy kaya magkasundo silang dalawa. Minsan nagbibigay siya ng advice [kay Mommy] about business. Kung maglalagay daw kami ng investment, hindi raw ito ang tamang panahon. Times are bad daw para sa business at sasabihin niya sa amin kung kailan puwede na," seryosong kuwento pa ni Valerie. May pagka-generous daw ang Australia-based businessman na ito. "Parang nung pumunta ako sa Canada, doon ko siya huling naka-communicate. He gave me an LV [Louis Vuitton] body bag, ang ganda nga, kasya lahat ng mga gamit ko. Mula noon, hindi pa kami nag-usap." Richard Poon. Pero malakas ang kilig ni Valerie sa mga kuwento niya tungkol kay Richard Poon. Crush pala niya ito at gustung-gusto niya ang singing voice nito. "Actually, nag-start lang 'yan, meron kaming show sa Zirkoh. Tapos tinanong ako kung anong masasabi ko about Richard Poon, sabi ko, 'I like his voice. Sobrang lamig sa tenga, masarap pakinggan.' Nakarating yata sa kanya, sinabi daw [niya] na parang mas gusto niya si Sarah [Geronimo]. Okay lang naman, kasi sabi ko gusto ko yung voice. Hindi ko naman sinabing, 'Uy, gusto kitang maging boyfriend!'" natatawang kuwento ni Valerie. Nainsulto ba siya na si Sarah ang crush ni Richard at hindi siya? "Not really," sagot niya. "Kasi kung ibig niyang sabihin na mas gusto niya si Sarah Geronimo na maka-duet, wala naman akong masasabi doon. Kasi, tanggap ko naman na hindi talaga ako singer. Pero kung sinabi niya na gusto niyang maging girlfriend si Sarah Geronimo… Richard Poon, 'Ouch!' Makakasama ni Valerie si Richard sa concert nilang Oktober Best @Zirkoh, sa Zirkoh Timog, Quezon City, on October 18, kaya umaasa siyang magkakaroon sila ng special friendship come that day. Type niya bang maging boyfriend si Richard? "No, the voice lang. Parang ang sarap kasing pakinggan. Parang ang feeling ko kasi na romantic lang. Na boyfriend mo siya, na kakantahan ka," sabi niya. DAUGHTER'S INCOGNITO DAD. Biglang naging seryoso ang usapan nang ang tungkol sa ama ng kanyang anak ang naging topic. Game sa pagsagot si Valerie na talagang na-in love siya sa naturang lalaki whose name she did not mention all throughout the interview. Ang yumaong si Miko Sotto raw ang nagpakilala sa kanya ng naturang guy at unang pagkikita pa lang nila, inaamin niyang nagkaroon ito ng tama sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na nga ng bunga ang paglabas-labas nila ng lalaki, na ayon kay Valerie ay lingid sa kanyang pamilya. "When I was four months pregnant, medyo gumulo'ng sitwasyon, that was the time pa naman sana na naghihintay na akong pakakasalan niya ako. I was so in love with him," seryosong lahad pa ni Valerie. Mula raw noon, hindi na sila nagkita. Hanggang sa isinilang na niya ang anak nila ay naghintay pa rin siyang pakasalan siya ng lalaki. Nung mag-aapat na buwan na ang bata ay tinanggap na ni Valerie ang kapalaran niya and gave up hope na pakakasalan siya ng lalaki. "I got tired waiting, so I said to myself, I have to move on. "Nagbalik ako sa showbiz at suwerte naman, heto ako ngayon, I have completely freed myself from him." Hindi pa rin daw nasisilip ng lalaki ang anak nila. Ni singko raw ay hindi ito nakapagbigay ng sustento sa bata. Kung ngayon daw ba lilitaw ang ama ng anak niya at magsasabing gusto niyang makilala ang anak nila at handa na itong magbigay ng sustento, ano ang magiging pasiya ni Valerie? "In fairness to my daughter, she deserves to know her father. Ganoon din ang ama niya. Hindi ko naman ipagkakait ang rights niya at ng anak ko upang magkakilala sila. "I owe that to my daughter, pero kung ako lang ang tatanungin, 'wag na lang sana, nabuhay naman kami nang maganda kahit wala siya. Sana 'wag na lang, sana 'wag na lang siyang magpakita forever," sabay halakhak pa ni Valerie na halatang pinasasaya ang sariling para mabago ang seryosong mood ng pakikipag-usap niya sa press. Source: Philippine Entertainment Portal |