|
|
| Valerie Concepcion nabastos sa movie ni Manny PacquiaoAuthor: Chan-Chan Torres PAGKATAPOS ng ilang araw na bangayan nina OMB Chairman Edu Manzano at Sen. Bong, hopefully, ay natapos na rin ito nu'ng pareho silang nagsalita sa magkaibang programa nitong Linggo. Si Chairman Edu, Sa The Buzz at si Sen. Bong, sa Showbiz Central. Pero, hanggang doon na lang ito. Mukhang mahirap ngang magkaroon ng kapatawaran muna sa ngayon dahil ayon pa kay Chairman Edu, paano niya mapapatawad si Sen. Bong gayung nasaktan siya nang labis nito? " I have children, I have a family," wika ni Edu In a way, nakuha rin namin ang punto ni Chairman Edu. Masakit talagang maparatangan kang below average ang iyong performance, di ba? Sinabi ni Sen. Bong sa kabilang banda na, okey lang daw kung hindi galangin ni Chairman Edu (ang kanyang posisyon). Kapansin-pansin kasi ang hindi pag-address sa kanya ni Chairman Edu ng Senador Bong at ito ang itinanong mismo sa kanya ng host na si Pia Guanio. Say ng Senador, basta't ang gusto lang daw niya'y magkaayos na sila nang malabanan nilang pareho ang mga pirata at ang mga patuloy na sumisira sa legal na pagbebenta ng CD, VCD at kung anu-ano pa. Sa puntong ito, umaasa ang lahat na matatapos na ang bangayan nina Chairman Edu at Sen. Bong. Nagkakasakitan lang kasi sila habang tumatagal, lalo na sa parte ni Chairman Edu, napaka-unfair para sa isang gumagawa ng tungkulin niya ang sabihan kang below-average ang performance mo. Hindi naman natin kasama buong araw si Chairman Edu para husgahan ang kanyang pinaggagawa o rating sa maghapon, di ba? Dagdag pa ni Sen. Bong, para sa diwa ng Pasko, nais niyang maisaayos na ang lahat. * * * MAG-ALIW naman muna tayo. Palipat-lipat kami ng channel nu'ng Linggo at natiyempuhan namin si Melanie Marquez sa hot seat ng Don't Lie to Me segment ng Showbiz Central. Akalain ninyong minsan isang panahon ay na in-love pala si Sen. Bong kay Melanie? Yes, you read it right. Ito ay nangyari nu'ng kabataan nila at take note, super in love daw talaga si Sen. Bong sa International Beauty Queen na ittetch, huh? Pero hindi raw siya pinansin ni Melanie. Pinaasa lang daw niya si Sen. Bong at that time at hayun, nagkaroon siya ng ibang boyfriend. Si Sen. Bong naman ay eventually nakilala at pinakasalan si Lanie Marcado. Ayon pa sa kuwento ni Ms. Melanie, hindi naman daw sila ngayon nagdi-deadmahan ni Bong, chummy daw sila at pinagtatawanan na lang nila ang kuwentong 'yun ng kanilang kabataan. Muntik na kitang minahal ang drama nila? * * * MARAMI ang nakikisimpatiya kay Valerie Concepcion ngayon. Nalulungkot kami para sa co-host ni Willie Revillame kasi nga'y kahit saan natin anggulong tingnan ay nabastos talaga ang bagets sa shooting ng pelikula niya with Manny Pacquiao. Na ewan naman namin kung bakit hindi ito naagapan ng direktor at kahit na ni Pacman mismo. Mariing sinasabi, maging ni Ms. Becky Aguila (manager ni Valerie), na hindi raw kailangan sa eksena ang may kissing scene kaya maging sila ay nagulat sa utos ng direktor na si Kaka Balagtas. At hindi man lang daw ito ipinagpaalam sa kanila. Tingnan niyo, bakit si Val ang tinatalak-talakan umano ngayon ni Jinkee Pacquiao sa text, eh, artista lang namang naturingan si Valerie? Siyempre, gagawin nu'ng bagets na ina ang utos ng direktor niya. Eh, 'di ba dapat ay sa direktor o script writer maimbyerna si Jinkee dahil pinahalikan nila si Val kay Pacman? Naku ha, nagiging national issue na ito. Source: Taliba |