| | Valerie Concepcion, namamangka sa dalawang ilog? Author: Ador Saluta Maraming nagri-react sa recent guesting ng PBA players sa Wowowee particularly sa Burger King Ace Player Zairus Baguio dahil sinasabing dine-date ito ni Valerie Concepcion. Pero hindi ba't nababalita ring dinedate ng Wowowee host si Dondon Honteveros na isa ring basketball cager? Anong masasabi ni Valerie na tinatawag na siyang isang playgirl? "You know, hangga't hindi mo pa boyfriend 'yong tao, you are entitled to date (other guys). Di ba, collect and collect and select, right?" sagot ni Valerie. "Ako kasi, hangga't hindi pa officially (declared) boyfriend, I don't mind. Like me and Dondon, matagal na kaming nagdi-date but 'yun nga, wala namang official announcement na kami na, or bf ko siya. So, I think, pwedeng-pwede pa akong makipag-date sa iba. 'Di ba, pwede pa akong tumanggap ng suitors, at ganu'n ang nangyayari sa ngayon." Hindi naman daw niya pinaglalaruan ang damdamin ng dalawang basketball player pero feel ni Valerie na karapatan naman daw niyang kilalalin ang mga ito ng masinsinan. "Hindi naman (naglalaro), modern-age na tayo ngayon. It's better na kilalanin mo muna yong tao (via dating), alam mo 'yon? 'Yun lang ang masasabi ko, as long as you are free, it's okay to date. Because dating is knowing the person better or we're in the getting-to-know-you stage. That's why I don't see anything wrong with dating na sabay. Alam naman nila (Dondon at Zairus) na ganu'n (pareho silang dini-date ni Val). Ang mali doon, kung hindi alam ng isa't isa," sabay ngiti ng pretty host. Kahulugan ba nito'y hindi pa si Dondon ang ideal guy sa buhay niya? "Kaya nga, I don't think he's the one, kaya I'm still looking. Kasi, nai-enjoy ko yong friendship ko with Dondon and at the same time nai-enjoy ko rin yong company niya. It's hard to explain nga eh," sabi pa ni Val. "I'm still looking baka may darating na someone better or someone na mas less-complicated or someone na makakasundo ko, 'di ba? Ayoko munang i-close yong doors ko (as far as looking for Mr. Right) especially wala akong bf or hindi ko pa bf si Dondon. Unfair din kasi on my part na magpapatali ako sa kanya (Dondon) na siya naman e, ayaw ding makipag-commit?" pagtatapos ni Valerie. Source: ABS-CBN Interactive |
|