|
|
| Valerie Concepcion replaces Dawn Zulueta as endorser of clothing line![]() Author: Rose Garcia Masasabing masuwerte ang young actress na si Valerie Concepcion ngayong taong ito. Kung matatandaan, halos kapapasok pa lang ng 2008 nang maging kauna-unahang endorser si Valerie ng isang herbal medicine na pampaseksi. Recently, si Valerie ang napiling bagong image model ng clothing line na Meg, bilang kapalit ng naunang celebrity endorser na si Dawn Zulueta. Makikita na sa halos lahat ng shops ng Meg sa iba't ibang malls ang mga larawan ni Valerie bilang bagong Meg endorser. Definitely, magandang opportunity ito for Valerie. Mula nang mabuntis at maging isang ganap na ina at a very young age, siya na ang naging breadwinner at solong magulang ng anak niyang si Heather Fiona. Malaking factor din ang pagiging regular host at araw-araw na napapanood sa daily noontime show ng ABS-CBN, ang Wowowee, kaya umakit ng maraming endorsements. Kapansin-pansin ang mga comment at feedback na natatanggap ng Meg from some of their customers. In fact, an insider told us na karamihan sa kanila'y nagugulat at nagtatanong kung bakit hindi na si Dawn ang image model at kung bakit si Valerie ang ipinalit dito. Ipinaliwanag namang tapos na ang kontrata ni Dawn sa kanila. Aminado ang source ng PEP na ang pagiging class ng image ni Dawn as endorser ang madalas pa ring hinahanap ng kanilang regular customers. Although naniniwala silang iba naman kasi ang crowd ni Valerie. Both Dawn and Valerie are doing well naman as endorsers. Kung si Valerie ang pumalit kay Dawn bilang image model ng Meg, si Dawn naman ay ang first celebrity endorser of Robinson's Department store. Source: Philippine Entertainment Portal |