Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion says she has no issue with her Wowowee co-hosts

Valerie Concepcion says she has no issue with her Wowowee co-hosts

Author: Bernie Franco with reports from Ador Saluta

Nakaladkad ang pangalan ni Valerie Concepcion sa isyu ni Cristine Reyes sa pag-alis nito sa Banana Split dahil naglalabas umano siya ng sama ng loob kay Cristine hinggil sa umano'y "hindi magandang relasyon" niya with RR at Pokwang na mga co-host din niya sa Wowowee. Nang tanungin si Valerie kung maayos naman ba ang relasyon niya with her Wowowee co-host maikli lamang ang sagot niya. "Yes, yes. Wala akong problema. Okay kami." Sinabi rin niya na wala naman umanong tensyon na namamagitan sa kanila.

Pinaliwanag naman ni Becky Aguila na manager ni Valerie na sinubukan naman nilang manatili si Val sa show. "We tried to save her from Banana Split, pero hindi kakayanin. Sabi kasi mago-over-budget sila. So, mas mabuti na wala siya sa BS. Umalis naman siya ng maayos," sabi ni Becky noong makausap siya ng ABS-CBN.com sa storycon ng bagong show ni Valerie na Pat is Tin.

Kaya lang, until now, marami pa ring naniniwala na bukod sa sinasabing over-budget ang show 'pag hindi nagbawas, iniiwas na lang si Val ng manedyer sa pagkakawatak-watak ng mga mainstays sa Banana Split, like kay Cristine Reyes, RR Enriquez at iba pa. Sa awayan nina Cristine at RR, siya daw kasi ang naiipit dahil kaibigan nito si Cristine at kasama naman sa Wowowee si RR. "I tried calling Cristine to hear her side at kami naman ni RR, nag-uusap kami in person since magkasama kami sa Wowowee," sabi ni Val. Kaya lang, malabo pa raw silang magkasundo dahil hindi naman daw biru-biro ang mga bad messages na ipinadala ng isa't isa. " Kumbaga, hindi sila (Cristine at RR) magkaintindihan. Masama ang loob ni Cristine kay RR at gano'n din si RR kay Cristine. But I know, all wounds hea l at sana maayos nila ang gusot . . . soon!" dalangin ng actress-host.

Source: ABS-CBN Interactive